26

7.4K 191 5
                                    

Dinalawa ko na po kasi di ko alam kung kelan yung next update ko tenchuuu 😊
-



"Mom! Dad!" Tawag ko sa dalawang tao na may hawak hawak na kartolina na may nakasulat na 'Welcome back our babies!'



Natawa lang kami ni Cloud sa ginawa ng parents namin. Habang si bunso ayun paglapit na paglapit namin kanila Daddy nagiinarteng nakakahiya daw yung hawak at ginagawa nila.



"Aba't pinaghirapang gawin to ng anak ni nana Nilda!" Pagmamalaki ni mom samin na kinatawa pa namin lalo ni Cloud.



"Mom talaga si Janet nanaman nakita mo at inistorbo mo pang gumawa, nyan!" Sabi ni Storm sabay turo sa hawak din ni mom at dad.



Napailing na lang sila mommy sa inaasta ni Storm sanay na kasi kaming lahat sa pagiging brat nya paminsan. Even our grandparents understands her attitude. Wala bunso kasi sya kaya sakanya namin binubuhos lahat ng atensyon namin we love her that much.



"So how's my twins?" Kami na lang ang binalingan ni Mommy ng atensyon nya.



"We're great mom last month lang ang huling kita natin." Natatawang biro ni Cloud kay Mommy.



Kahit naman kasi andito silang dalawa sa Pilipinas lagi pa din nila kaming binibisita dun once a month.



"Hey dad." Bati namin kay Daddy sabay yakap sakanya habang hawak pa nya yung mga gamit ni Storm.



Kahit kelan talaga yun.



"Dad ako na dyan sa gamit ni Storm." Sabay kuha ko sa mga kamay ni dad yung maleta ni Storm bago dumiretso sa kotse nilang dala.



Nang makapasok na kami sa sasakyang dala ng parents namin agad nanamang nagreklamo si Storm.



"Oh my god! Ate Kuya ang sikip ano ba!" Pano pinagitnaan namin sya ni Cloud haha. Maliit na kotse lang kasi ang dala nila mom and dad kaya bitbit namin sa loob yung ibang back pack namin kasi di na kasya sa trunk.



"Ang arte mo." Tinawanan lang namin sya ni Cloud.



"Urrggghhh!!" Iritang sigaw ni Storm. Di na lang namin sya pinansin at natawa lang sakanya.



"Let's go kiiiids!" Sigaw ni Dad sabay na pinaandar yung sasakyan.



Sila mom and dad simple lang silang parents yung kahit alam nilang mayaman na sila they don't brag about it. They use and wear simple things na aakalain mong di sila mayamang dalawa. And that's what I love about them kaya na rin siguro agad akong napalapit sakanila. They're awesome and cool.



Pag dating namin sa bahay nauna ng pumasok sa loob si Mommy at si Storm kami naman ni Cloud tumulong kay Daddy magpasok ng mga gamit namin.




Pagpasok ng bahay agad na sumalubong si grandma kasama si grandpa niyakap nila kaming dalawa ni Cloud.



"Kumusta ang sexy kong grandma?" Sabi ko. Hinampas namam nya ko sa braso ko ng mahina na kinatawa naming lahat.



"Nang bola nanaman ang paborito kong apo." Sabi nya sabay himas nya sa pisngi ko. Ako naman nakahawak lang sa bewang ni grandma.



"Grandma!!" Sigaw ni Storm. "I thought ako ang paborito mo?!" Naka crossed arm pa sya habang sinasabi yun.



Binelatan ko naman sya at niyakap si grandma pa side hug ng mahigpit.



"Sorry na lang kayo BWAHAHAHA tara na grandma sa dining room at kumain na tayo." Inakay ko naman si grandma pa dining area.



Pero bago pa kami makapasok ng dining narinig ko pa si grandpa na sinabihan si Storm na 'ako apo ikaw ang paborito ko'



Kung cool ang parents namin mas sila grandma kala mo kasi mga binata't dalaga pa sila nakikisali sa trip naming magkakapatid. And they're from my fathers side patay na daw kasi ang both parents ni mommy bago pa sila magkakilala ni dad.



-



"I think anak you need to visit our company here." Open ng topic ni Dad habang kumakain na kami.



"Sure Dad don't worry pero bibisitahin ko muna sila mama bukas pati si ate Sky. Sasabihan ko na lang si kuya Thunder na next day na lang ako sasama sa meeting nya." Nakangiti kong sabi kay Dad.



Nalaman ko din noon na pinsan ko pala si ate Sky si kuya Thunder naman ang nakakatanda naming pinsan.



"Hon naman kakauwi lang ng anak mo business agad. Hayaan mo muna syang magbakasyon for a week. Tsaka nasa harap tayo ng hapag business pa din ang pinaguusapan nyo." Saway ni Mommy samin.



"Hon pinapaalalahanan ko lang sya ng mga gagawin nya dito sa Pilipinas. Kasi andito sa pinas ang lahat ng main branch ng mga business natin." Humawak pa si daddy sa kamay ni Mommy ng sabihin nya yun.



"Mom I'm fine you don't have to worry tsaka no thanks po mas gugustuhin ko na lang magtrabaho ng magdamag kesa maglaboy lang mom." Nakangiti kong paalala kay Mommy.



"You need a break anak sabi sakin ni Cloud puro ka na lang trabaho dun sa States wala ka ng social life! Ano ka ba naman go to bars!" Sabi ni mom.



Sinamaan ko naman ng tingin si Cloud at nag peace sign lang sya sakin inirapan ko lang sya bago bumaling ng tingin kay mom. Sabi ko kasi sakanya wag nya sabihin kay Mommy na puro trabaho lang ang ginagawa ko.



"Mom alam mo namang di ako mahilig sa ganyan at okay na sakin sila Samantha lang ang kaibigan ko." Nginitian ko na lang si mom.



"Tama na yan inistress nyo ang apo ko." Malambing na sabi ni grandma samin.



After ng unting salo salo at kwentuhan sa baba umakyat na din ako sa taas para makapagpahinga.



Patalon akong humiga sa kama ko. Haaay welcome back to me!

The Girl That I Love (gxg) Where stories live. Discover now