39

7.4K 191 5
                                    

Hi guuuys sorry ngayon lang yung update. Anniversary kasi ng school namin last week at may competition akong sinalihan nung Wednesday kaya nagpahinga muna ko magdamag sa bahay dahil sobrang pagod ko mula katawan pati boses ko wala na. Pero worth it lahat ng yun kasi overall champion kami skl thank you sa pagintindi 😊😂❤️😘
-



Wen/Raine's POV



"Guni guni lang ba natin yung kanina Wen? O nakita mo din yun diba?" Shock pa din sya sa nakita namin kanina.



Nasa kwarto na kami ngayon paguwi namin pinapasok na din namin si Sabrina sa kwarto nya.



Hinila ko naman sya sa tabi ko at niyakap mula sa likod pinatong ko din yung baba ko sa balikat nya.



"Wag mo na munang isipin yun ha? Ako ng bahala dun." Pagsisigurado ko sakanya. "Matulog na lang tayo." Dahan dahan ko naman syang inalalayang mahiga.



Napabuntong hininga naman sya at tumingin sa mga mata ko sabay haplos sa pisngi ko. Bali nakahiga na sya at ako nakasuporta yung kaliwa kong braso para makita ko syang mabuti.



"Promise mong gagawan mo ng paraan yun para makuha natin si Samuel ha?" Sabi nya sakin na may lungkot pa din sa mukha nya.



I'm happy na unti unti bumabalik kami sa dati na parang walang nangyari. Ayoko namang iopen yung about sa situation namin kasi okay nakong ganto kami pero alam ko one of this days mapaguusapan din namin yun.



"Opo ako ng bahala sa ngayon magpahinga kana muna." Tumango naman sya sa sinabi ko. Bumangon ako at akmang bababa na ng kama nang pigilan nya ko.



"Saan ka pa pupunta?" Tanong nya sakin habang hawak nya ko sa braso.



"Sisilipin ko lang si Sabrina saglit." Hinalikan ko muna sya sa noo bago tuluyang lumabas ng kwarto namin.



Sinilip ko lang si Sabrina saglit sa kwarto nya at nakitang mahimbing na tong natutulog bago dumiretso sa sala.



Pagupong pagupo ko sa sofa nilabas ko na yung phone ko and I dialed some number.



Mga dalawang ring pa lang to ng sinagot na nya yung tawag ko.



"I need your help."



***



Kinaumagahan maaga akong nagising para magluto ng umagahan.



Pagmulat ng mata ko magandang mukha ni Gab ang sumalubong sakin. Nakayakap sya sakin ginawa nya ding unan yung dibdib ko at yung binti nya nakapatong na din sa hita ko. Unti na lang sa taas ko na talaga sya natutulog.



Napangiti na lang ako sa pwesto namin ngayon. Humalik ako sa buhok nya bago ako dahan dahang bumangon.



Buti na lang tulog mantika sya at di nya naramdamang bumaba nako ng kama hinalikan ko ulit sya sa noo nya ng mabilisan bago dumiretso ng kusina.



Nasa kalagitnaan ako ng pagluluto ng maramdaman kong may yumakap sa likod ko.



"Ang bango naman nyan." Sabi nya habang inaamoy amoy yung batok ko. Natawa naman ako kay Gab bago pinatay yung kalan at hinarap sya tsaka ko sya hinapit sa bewang papalapit sakin.



"Ako ba? O yung niluluto ko?" Nakangisi kong tanong sakanya. Binitawan ko na sya at napasandal naman ako sa may island counter at napa crossed arms.



"Both?" Pilyang ngiti din yung binigay nya sakin sabay pumwesto sa gitna ng legs ko.



Natawa naman kaming parehas. Napatigil naman ako bigla sa pagtawa ng parang nagslow motion yung pagtawang ginagawa nya.



The Girl That I Love (gxg) Where stories live. Discover now