43

7.5K 186 9
                                    

-



Hindi ko akalaing pagkalipas ng ilang taon dito din pala kami hahantong ni Gab sa kasalanan. Tama nga sabi nila na sa hinaba haba man ng prosisyon sa simbahan din ang tuloy.



Kakalapag lang ng eroplanong sinakyan namin dito sa Puerto Princesa International Airport. 3 days and 2 nights lang kami dito bago dumiretso sa France para dun mag honeymoon.



"Wooooow ang sarap ng fresh air dito hon!" Parang bata nyang sabi ng makalabas kami ng airport. Nangingiting napailing na lang ako. "Kaso sana kasama natin dito sila baby no?" Kaninang masiglang mukha nya biglang lumungkot.



Binitawan ko muna yung trolley na may laman na mga maleta namin at inakbayan sya.



"Okay lang yan love maya maya makikita din natin sila ha? Sa ngayon hanapin muna natin si Cloud dito." Sabi ko habang lumi linga linga pa para hanapin yung kapatid ko.



"Ate!" Napalingon naman kami parehas ni Gab sa pamilyar na boses na tumawag sakin si Cloud kasama si Storm.



Tila nagulat pa ko ng makita si Storm sumama pala sya sa pagsundo samin. Hindi kasi okay si Gab kay Storm nung tinanong ko naman sya ang sabi nya lang ayaw nya kay Gab yun lang. Alam ko naman kung ano yung dahilan marahil siguro yung nagawa sakin ni Gab yung kinagagalit nya dito at hanggang ngayon ang gusto nyang magkatuluyan is kami ni Samantha. Napapailing na nga lang kami ni Sam sa tuwing sasabihin nya yung 'sana kayo na lang ulit' minsan tinatawanan na lang namin sya.



Nakangiti naman akong kumaway sakanila bago kami lumapit ni Gab.



"Tara na ate baka malate pa kayo parehas sa kasal nyo mamaya." Kinuha na ni Cloud yung tulak tulak ko at agad na dinala yun sa kotse nya. Lumapit naman ako kay Storm.



"Oh bunso buti sumama ka sa pagsundo samin?" Pangasar ko sakanya. Nakasimangot lang naman to.



"As if I have a choice eh yang si kuya paepal bigla bigla na lang akong hinila." Pagtataray nya tsaka mabilis na nauna papasok sa kotse.



"Galit pa din sakin ang kapatid mo?" Malungkot na tanong sakin ni Gab. Nilapitan ko naman sya at inalo.



"Hey she'll be okay with you. Just give her time." Nakangiti kong pagaassure sakanya sabay halik sa noo nya. Pumasok na din kami sa kotse ni Cloud.



Pagpasok na pagpasok ko sa loob ng kotse eh inabot bigla ni Storm yung cellphone nya sakin.



"Here ate Sam wants to talk to you." Nakangiting sabi nya. Nilingon ko naman saglit si Gab na nakatingin sa cellphone ni Storm bago yun kunin.



"Hello?" Nakita ko namang nagiwas ng tingin si Gab at sa labas na lang tumingin.



"Hi babe!" Masigla namang bati ni Sam sakin kaya napangiti naman ako.



"Nandyan kana ba sa resort?" Pagtatanong ko. Nauna kasi yung mga bisita namin sa kasal dito.



Narinig ko naman yung pag bunton hininga nya sa kabilang linya. "That's the reason why I called babe. I'm sorry di kami makakapunta. We're busy din kasi sa kakaasikaso sa kasal namin. Gusto ko lang din mag congratulate sayo at hmp naunahan mo pa kong magpakasal!" Nalungkot naman ako sa sinabi nya pero naiintindihan ko din naman.



"It's okay babe I understand. And thank you by the way." Sincere kong sabi.



Nagusap pa kamo ni Sam ng matagal sa phone di ko na nga namalayan nandito na kami sa resort na paggaganapan ng kasal namin.




The Girl That I Love (gxg) Where stories live. Discover now