21

7.5K 190 3
                                    

-





Gabriella's POV




We're here at the cafeteria right now. Kumakain kami ni Wen with her "friends" daw. Napairap naman na ako sa thought na yun.




"Love di mo ba uubusin yan?" Tanong sakin ni Wen.




Umiling na lang ako. Isang kagat lang ang nagawa ko dun sa binili nyang egg sandwich wala kasi akong gana kumain knowing I'm with her ex and her traitor friends.



Ewan ko ba kahit okay naman yung pinapakita nya sakin kumukulo pa din ang dugo ko sakanya. Lagi kong naaalala yung ginawa nya kay Wendel. Pati na rin ng mga kaibigan nya daw.




"Akin na lang love ha?" Tumango na lang ako.





Kinuha naman nya yung sandwich ko at kinain na yun. Natawa naman ako ng mahina sa paraan nya ng pagkain. Ang cute kasi ng love ko kumain para syang bata ang dungis dungis kumain.




Di ko napigilang kurutin yung dalawa nyang pisngi.





"Mmmmmm ang cute naman ng love ko." Nanggigigil kong sabi.





"Labsh mashaket." Natawa naman ako sa reaksyon nya.





"Hahahaha sorry love." Natatawang kiniss ko yung magkabilang pisngi nya. Napansin ko namang namula yung tenga nya habang nakangiti sya sa ginawa ko.




Bigla naman kaming nakarinig ng umuubo kahit alam kong peke lang yun nilingon pa din namin pagtingin ko si Sam pala.



Dahil sa ginawa nya inabot ni Wendel yung orange juice nya kay Sam.





"Sam oh inumin mo baka nabubulunan kana dyan."




Bago pa matanggap ni Samantha yung juice kinuha ko na agad yun.




"Love inuubo na nga matamis pa ipapainom mo?" Kinuha ko yung tubig ko na nakapatong sa lamesa. "Eto oh iyo na."





"Hindi na okay naman na ko." Tanggi pa nya feel nya na sigurong ayoko syang makasama sa iisang lugar.



Napakilala nako ni Wen sa mga "friends" nya daw. Pero napansin kong wala dun yung best friend nya dati nalaman ko ding lumipat na pala yun ng school matagal na.



Pagkatapos naming kumain sa totoo lang sila lang talaga yung kumain. Lumabas na kami ihahatid pa kasi  ako ni Wen sa classroom ko.




"Wen ano next subject mo?" Tanong ni Sam sakanya. Napataas naman yung kilay ko ng wala sa oras sabay napairap. Pag sya talaga kaharap ko lumalabas pagiging maldita ko.




May sinabi naman si Wen na subject ma related to hotels yun ang alam ko.




"Parehas pala tayo." So? Ano gusto nyang iparating? Di nako nakatiis kaya tinapos ko na yung usapan nila.





"Love let's go." Hila ko na kay Wen ang tagal na kasi nilang magkausap nakakaasar na. Kahit kanina sa cafeteria halos silang dalawa lang nagdadaldalan.



"Oh sige Sam see you na lang sa room." Kumaway pa tong isang to.



Pagkadating namin sa building ng classroom ko hinarap ko sya agad.




"So magkakaklase kayo? Ano yan sa lahat na ng subject mo ganon?" Nakacrossed arms ako sa harap nya ngayon at halata mo sa mukha kong badtrip na badtrip ako. Di na nga ako nakakain ng maayos naglalandian pa sila sa harap ko kanina bwiset lang!



"Love ano namang meron kung magkakaklase kami? Atsaka yung inasta mo kanina sa pagabot ko ng juice kay Sam di ko yun nagustuhan."





"Anong meron?! Ex mo sya yun ang meron! And fyi walang masama sa ginawa ko kanina!" Napasigaw na ko sa inis.



"Yun na nga love! EX!" Napasuklay na sya sa buhok nya gamit yung kamay nya nang sabihin nya yun. "Ex na love wala na sya sakin okay? Tsaka bago naman maging kami naging magkaibigan din kami."



"Kaibigan? Kaibigan your face! Wag mo ko madaan daan dyan sa kaibi-kaibigan mo ha! Walang magex na magkaibigan! Kung meron man isa dun may feelings pa at sya yun!" Turo ko pa sa kawalan na para bang andun si Samantha.




Magsasalita pa sana sya ng pigilan ko na sya.



"Wag mo na sya ipagtanggol sa harap ko mas lalo lang akong naiinis sayo ngayon. Aalis nako malelate nako sa next class ko."




Naglakad nako papasok ng building namin at iniwam sya dung nakatayo. Di nya ko masusundan dito kasi bawal ang mga college students dito.





Pagpasok ko ng room andon na lahat ng mga kablock ko. Nakakalungkot lang kasi di ko kablock sila Lira. Ako lang nakahiwalay sakanila iba din yung sched nila sakin.



"Babe!"





"Oh my god!" Gulat kong sabi. Nang may biglang sumulpot sa harap ko habang nakatulala ako at sinigawan pa ko ng pashnea.




"Nagulat ka nanaman sa kagwapuhan ko." Sabi ng ungas na to sabay kindat pa sakin.




"Bat ka ba nanggugulat?! At anong babe babe ka dyan!" Sigaw ko sakanya.





Sya si Ralph isa sa mga manliligaw ko noon na ilang beses ko ng binusted dahil nga si Wendsl na ang gusto ko noon pa.




"Date tayo mamaya babe ha. Ako na din maghahatid sayo pauwi."





"Date ka magisa mo. Tsaka excuse me lang ha ilang beses ko pa bang isasampal sayo na di kita magugustuhan lalo la ngayong taken nako!" Inirapan ko naman sya at inilabas na lang yung text book namin sa history.




"Di pa naman kayo kasal eh." Tiningnan ko sya ng di kapani paniwala look.




Umalis na sya sa harap ko ng dumating na yunh teacher namin.




Nakakabadtrip tong Ralph nato bakit kasi nandito ako sa block na to eh! Nasama pa ko sa isang room kasama yang baliw na yan.




Napapailing na lang ako dagdag sya sa sakit ng ulo ko.

The Girl That I Love (gxg) Where stories live. Discover now