46

8.8K 185 6
                                    

Ang susunod na babasahin ay rated SPG na may temang di angkop sa mga inosente at bata kaya kung ganon ka wag mo nang ipagpatuloy pero dahil matigas ang bungo mo sige basahin mo na!

Ps. Ang sakit sa hair gumawa ng bs ah pati pagka inosente ko na torture! Jk. Yan lang kinaya ng powers ko kaya pagtsagaan nyo na 😂🤙🏽 Last chapter na guys magdiwang tayo! 🎉🎉😂




-



Masaya yung naganap sa reception ang ganda ng mga tugtog maski yung design ng venue ang ganda ganda. Natuwa din kaming dalawa ni Gab sa taas at ganda nung cake na pinagawa nila Mommy. Sila kasi yung nagprisinta na sila na daw bahala sa wedding cake namin.



Pero sa totoo lang di na namin tinapos yung party sila Storm na bahala sa mga bisita.



Andito kami ngayon sa tapat ng bagong bahay na titirhan namin ni Gab kasama ng mga bata at mga future babies namin. Binili ko tong bahay nato noon pang sinabi ng mga magulang namin na ipapakasal nila kami ni Gab.



Di naman pwedeng habang buhay sa condo kami titira lalo na balak ko magkaron ng maraming anak di ko pa nga lang nakakausap si Gab about dun pero alam ko namang unting lambing lang kay misi papayag din yun.



Buhat buhat ko sya habang paakyat kami sa taas ng bahay kung nasan ang masters bedroom. Nang makapasok sa kwarto dahan dahan ko syang nilapag sa kama.



Nakaibabaw yung kalahating katawan ko sakanya habang nagtititigan lang kaming dalawa.



Mga ilang minuto din kaming nagtitigan ng unti unti ng naglalapit yung mga labi namin ng pigilan nya ko.



"W-wait lang Wen." Tulak nya ng mahina sa dibdib ko.



"Bakit? Hon naman ready nako oh!"



"Tumigil ka nga!" Tinampal nya ko ng mahina. "Magaano tayo dito eh hindi naman atin to mamaya kasuhan pa tayo ng trespassing! Kanino ba tong bahay nato ha?" Naaasar nyang sabi.



"Hon naman dadalhin ba kita dito pagkatapos ng kasal natin kung hindi atin to?"



"Aba malay ko ba?! Wala ka naman kasi-"



I cut her off by kissing her. Lumayo ako saglit at tiningnan sya.



"Ang dami mo pang sinasabi hon game na game nako papagurin pa kita ngayong gabi." Sabi ko na may hehe pa sa dulo. Hahalikan ko nanaman sana sya ulit ng pigilan nya nanaman ako. "Ano nanaman?!"



"Galit ka?" Nakataas ang isang kilay nyang sabi sakin. Umiling lang ako. "Yun naman pala eh tsaka anong papagurin wala kang balak matulog?"



"Wala hon at di ka din matutulog." Nakangisi ko sabi at akmang hahalikan ko na sya ng pigilan nanaman nya ko. "Hon sabihin mo na lahat ng gusto mong sabihin please!"



Natawa naman sya ng mahina sa reaksyon ko. "Kahit 30 minutes na pahinga wala?" Nakangisi nyang tanong na tila inaasar lang ako.



"Wala!" Sabi ko sabay halik sakanya kaso di pa naglalapat labi namin ng pigilan nanaman nya ko. "Oo na! Wag na! Matulog na tayo!" Naasar na umalis ako sa ibabaw nya at nahiga sa tabi nya bago talikuran sya.



Narinig ko naman yung hagikgik nya kaya mas nainis ako. Kinuha ko yung unan ko at pinatong ko sa tenga ko para na rin matakpan yung mukha ko. Ilang minuto din akong walang narinig mula sakanya pero nararamdaman kong gumagalaw yung kama.



"Hoooon tinulugan mo na ba ko?" May paglambing sa tono nya. Di ko naman sya kinibo. Masisisi nyo ba ko kung kelan readyng ready nako hays. Maya maya lang dumagan na sya sakin at sinilip ako nang makita nyang gising pa ko agad syang sumiksik sa harap ko at niyakap ako. "Ang honey ko ang pikon." Lambing nyang sabi habang hinalik halikan ako sa leeg ko.



The Girl That I Love (gxg) Where stories live. Discover now