16

8.8K 218 2
                                    

-




Nakapila ngayon sila Gab sa bilihan ng ticket para bilhan sila Lira ng sakanila. Seryoso nga si my labs sa sinabi nya kanina na di nya ko hahayaang magisang manood kasi bumibili sila ngayon ng lima pang ticket. Nagsabi namam kami sa Daddy nya na malelate kami ng uwi.


Kami ni Lira andito sa gilid sa tabi ng entrance hinihintay sila medyo mahaba din kasi yung pila. Eto kasi yung pinaka inaabangang event taon taon dito sa department namin na pati tiga ibang department makikinuod.


"Wen." May tumawag nanaman sakin kota na yang mga tumatawag sakin ngayong araw ah.




Nilingon ko kung sino si Sam nanaman pala.





"Buti naman at manunuod ka." Nakangiti nyang sabi nakita ko namang nasa likod nya yung iba nyang barkada na naging kaibigan ko din noon. May gulat at pagtataka sa mga mukha nila ng makita nilang naguusap na kami ni Sam.


"Oo ilang beses mo na kayang pinaalala haha kasama ko nga pala girlfriend ko pati mga kaibigan namin." Tiningnan naman nya si Lira sa tabi ko at tumango sakanya.


"Ah I see eh bat andyan pa kayo bat di na kayo pumasok dun?" Turo nya sa entrance. Tinuro ko din kung nasan sila Gabriella.





"Ang haba pa ng pila at andun pa yung mga kaibigan namin." Nakaturo sabi ko. Wala pa kasi sa gitna ng pila sila my labs eh.






Ngumiti naman sya sakin at tinapik yung balikat ko "Akong bahala tawagin mo na yung mga kaibigan mo at pumasok na kayo."





Iniwan ko muna si Lira sakanila saglit at nilapitan yung girlfriend ko.






"Love tara na okay na daw sabi ni Sam wag na daw kayong pumila." Nakita ko namang napakunot sya ng noo. Aayaw pa sana sya ng pigilan sya ni Steph.





"Don't be maarte dyan Gabriella ha. My feet is so masakit na kakatayo dito. And I can't take it na so let's go na lang." Sabi ni Steph at hinila pa si Clarisse pati si Jennifer na nasa tabi nya sabay lakad papunta kung nasan sila Lira.




Wala ng nagawa yung girlfriend ko at inirapan na lang ako bago sumunod sa mga kaibigan nya.






"Tara na." Nakangiting sabi ni Sam at nauna na syang naglakad kasama ng barkada nya.






Nakita ko namang kinausap ni Sam yung nagbabantay sa entrance at nakita kong tumango yun.





"Pasok na kayo." Sinamahan naman nila kami hanggang sa may makita kaming mauupuan. "Sige Wen dun na kami sa back stage ah." Nagpaalam na si Sam samin at umalis na sila.





"Do we need to finish this?" Halatang may inis sa boses ni Gab ng sabihin nya yun.






"Love kahit hanggang gitna lang nakakahiya naman kung aalis tayo agad." Inirapan nya lang ako sa sinabi ko. Hinawakan ko na lang yung kamay nya para maassure sya na okay lang ang lahat.





Alam ko naman kasi kung bat sya nagkakaganyan. Dahil andito yung ex ko at dahil kay Sam kaya nakapasok kami dito. At ayaw nya din siguro ng ideyang yun na tinulungan kami ng ex ko makapasok dito.




Kanina pa nagumpisa yung event ng makita naming papalakad si Sam sa gitna ng stage.






"Hi guys good afternoon in behalf sa buong staff ng ASC at staff sa event na to gusto kong magthank you dahil nagbigay kayo ng time para manuod samin." Nakangiti nyang sabi. Naramdaman ko naman yung paghigpit ng hawal sakin ni my labs. Sa gawi kasi namin nakatingin si Sam. I kiss Gab's temple para magrelax to.




The Girl That I Love (gxg) Dove le storie prendono vita. Scoprilo ora