31

7.5K 191 8
                                    

-



I'm on my way papunta sa office mamaya pa naman yung schedule ng meeting pero inagahan ko na yung punta. I need to ready myself para naman hindi ako mapahiya mamaya diba? Iniwan ko na nga si Sam sa bahay kasi sarap na sarap pa sya sa pagtulog.



Pagpasok ko sa building ng DFC agad naman akong binati ng mga nakakasalubong kong employee dito. Nginingitian ko din naman sila di naman kasi ako snob.



Pagdating ko sa pinaka taas ng floor sa building nato nagdire diretso lang ako papasok ng opisina ko pero bago pa ko makapasok nasa labas naman ng opisina ko ang magiging sekretarya ko.



Pag gumamit ka kasi ng elevator sa building na to meron dung botton na para lang sa floor na to ako at ang secretary ko lang ang may access dito depende na lang kung pinayagan ko.



Ganto na talaga lahat ng opisina ng CEO sa lahat ng company namin proteksyon lang din kasi syempre madaming taong gustong sumira samin at madaming importanteng files na nakatago sa loob ng opisina ng CEO sa company namin na di dapat makita ng iba. Kaya hanggang sa maari hinihiwalay talaga namin ang floor ng CEO office sa lahat at bilang lang ang makakapasok dito.



"Good morning Maam." Nakangiting bati sakin ng sekretarya ko.



Mukha namang yung edad neto mga nasa mid 30's na sya siguro.



"Good morning. Raine na lang. Ikaw what's your name?" Tanong ko sakanya.



"Kassandra po Maam I mean Raine." Nahihiya nya pang sabi.




"Wag kana mahiya I want to be close to you para di tayo parehas mahirapan but at the same time I want you to know your limits din." Nakangiti kong sabi.



"O-opo naman!" Masigla na nyang sabi. Tinanguan ko lang sya at pumasok na sa loob ng opisina ko.




Kung gusto mong makapasok sa opisina ko pwera sa kailangan mong magpa schedule ng meeting eh pwede naman nilang makausap yung secretary ko. Sa bawat floor ng building na to may kanya kanyang intercoms na nakaconnect sa desk ng secretary ko. Pagnakausap na nila si Kassandra ipapaalam naman nya to sakin.




**



"Maam Raine ikaw na lang po ang hinihintay sa conference room." Tawag sakin ni Kassandra mula sa intercom sa floor ng conference room na nakaconnect sa opisina ko.



"Okay tell them I'll be there in 5."



Agad nakong nagayos ng sarili bago sumakay ng elevator.



May nakakasabay naman akong mga empleyado sa elevator na bumabati sakin nginingitian ko na lang sila.



Nang makarating na ko sa floor kung nasan yung conference room lumabas na agad ako at naglakad papasok.




Nang mabuksan ko na yung pinto agad naman silang nagsitayuan lahat dumiretso na din ako sa upuan ko dun sa may pinaka gitna pagupo ko tsaka lang silang lahat nagsiupuan.



"Let's get started." Mosyon ko sakanila. May pumunta naman sa harap na magrereport sakin ng marketing sales ng department nila.



Pinatay na din yung ilaw para sa power poin na hinanda nila.



Nasa kalagitnaan na kami ng meeting ng may pumasok lahat naman ng atensyon napunta sa kung sino man yung nagbukas ng pinto. Nakapatay kasi yung ilaw sa loob so malalaman mo talagan kung may pumasok o wala. Yung pinto pa naman ng room nato eh nasa gitna.



Napataas naman yung kilay ko ng makita kung sino ang pumasok.



"I'm sorry I'm late." Sabi ni Gab bago naupo sa upuan nya.



"Next time you'll be late wag kana lang ding pumasok you just disturb us in the middle of discussion and Kassandra I thought nandito na lahat?" Masungit kong sabi sa secretary ko. Ayoko kasi sa lahat yung pag nagcoconcentrate nako sa isang bagay tapos biglang may interruption.



"I'm s-sorry Maam." Hingi ng tawad ni Kassandra. I rolled my eyes. Ano pa nga ba diba?



"Continue." Turo ko sa nasa unahan na nagrereport. Nanginginig naman yung boses nya ng magreport sya ulit.



Pero habang nakikinig ako sa report nung nasa unahan feeling ko may nakatingin sakin. Kaya napalinga linga ko para makita kung sino man yun baka nagkamali lang ako.



Pero pagtingin ko sa kaliwa ko nakita ko si Gabriella masamang nakatingin sakin. Tinaasan ko lang sya ng kilay and mouthed 'What?' Inirapan naman nya ko.



Maya maya lang nagsipalakpakan na sila meaning tapos na yung report.



"So Ms. Santos? What can you say about his report?" Nakataray kong tanong kay Gab. I just want to teach her a lesson para sa susunod alam na nyang di dapat sya nalelate sa gantong meeting.



Nagulat naman sya sa tinanong ko ibinuka na nya yung bibig nya pero walang lumabas na salita mula rito. Napangisi naman ako.



"See? That's what you get for being late at alam mo rin namang di na nya uulitin ang report nya para lang sayo diba?" Pagkasabi ko nun agad nakong tumayo at lumabas na.



Pero di pa ko nakakasakay ng elevator ng may pumigil sakin nang lingunin ko kung sino si Gab na masamang nakatingin sakin.



"Let's talk!" Maddin nyang sabi sabay hila sakin papuntang emergency exit.



"Ano ba yun? Kung di mo naitatanong madami pa kong gagawin sa opisina ko." Sabi ko ng bitawan nya yung braso ko.



"What was that?! Dalawang beses mo kong pinahiya!" Kita ko naman yung panggigigil nya sakin.



"What? I was just asking you a question! Kung ayaw mong ginaganon kita then don't be late." Sabi ko bago sya tinalikuran.



Palabas na sana ako ng emergency exit ng marinig ko pa yung sinabi nya.



"Yumaman ka lang nagbago kana." I hear sadness ng sabihin nya yun.



Hinarap ko naman sya.



"Hindi ang estado ko sa buhay ang nagpabago sakin. Don't you remember? It's you who change me."



Pagkasabi ko nun agad nakong lumabas at umakyat sa opisina ko.



Kasalanan mo bat ako nagkaganto Gab. Kasalanan mo!

The Girl That I Love (gxg) Where stories live. Discover now