#14; the mall

91 44 26
                                    


Enjoy reading and Godbless~

----------

"Why can't I wear these?" He asked, nakanguso ito habang hawak hawak ang favorite neon pink niyang pajama.

Napa-irap ako.

"Zoe hindi pwede, it looks weird." Napangiwi ako ng muling mapatingin sa damit, masyadong nakakaasiwang pagmasdan ang damit na iyon. Daig pa ang brightness ng aking cellphone.

Isa iyan sa mga damit na binigay ni Fruga sa kaniya. I really don't know what's wrong with that cat! Bakit ganyan yung mga damit ni Zoe? Is he some kind of idol or something? Napaka-flashy ng fashion sense ng isang iyon.

"It looks weird?" Bulong ni Zoe sa sarili bago pinasadahan ng tingin ang damit. Maya maya pa'y ibinalik niya ito sa loob ng suitcase niya at nagkalkal ulit.

"Hmm. Anong isusuot ko?" Seryosong nitong tanong sa sarili habang patuloy sa paghahanap ng damit.

I smiled while watching him eagerly finding nice clothes. I feel happy, ngayong nakikita kong excited siyang gumala sa labasan ay parang nabuo na ang araw ko. Wala na yatang makakasira pa sa mood ko ngayon.

Pag-gising ko kaninang umaga ay nasa kama na ako, while he still slept on the sofa.

I think binuhat ako nito papuntang kama. He tuck me in my bed gently na hindi ko man lang namalayan. And to think na hindi ito tumabi sa akin sa kama kahit medyo uncomfortable ang sofa at maikli para sa kaniya ito is such a big thing.

I feel so proud of him, sinabihan ko siya dati na hindi siya pwedeng tumabi sa akin matulog and he still kept that in his mind.

"Let me help you." Binaba ko ang hawak na libro at lumapit kay Zoe.

"Ako na maghahanap." Naupo ako sa sahig at sinumulan ang pag kalkal sa mga damit niyang napakarami.

"You need to wear something--- decent. Kasi may pupuntahan tayo."

He sat down besides me. "Saan tayo pupunta?" Zoe asked out of excitement. Well, for the record ito pa lang ang pangalawa niyang paglabas.

"Somewhere fun." Lumingon ako sa kaniya at ngumiti. He beamed at me and it makes me feel glad, Glad that I came closer to see his sheepish smile.

His smile gives me the reason to be on a good mood, para bang energy drink na isang higop mo lang ay mah-hyper ka ng tuluyan.

"Hmm, Zoe! Ito nalang isuot mo." Namataan ko agad ang isang normal na damit sa ilalim ng lalagyan at agad iyong knuha. Inabot ko sa kaniya ang ilan pang damit na maaaring ipares niya dito. He looked at it, para bang hindi sigurado pero hindi rin naman umangal.

He took the clothes and went to the bathroom to change.

I bet maraming mahuhulog ang underwear pag nakita si Zoe mamaya.

I'm actually worried for my own undies, baka kasi bigla akong traydorin at mahulog pati garter.

mag-isa kong niligpit ang mga damit ni Zoe na kumalat sa paligid, bigla akong napaisip ng mapatingin sa suitcase, dito lang nakalagay ang mga damit niya.

'Ah. Yes he needs a drawer or something!'

"Adora, do I look okay? Medyo kasi iba ito sa mga sinusuot ko eh." He called out my name pagkalabas ng banyo and when I turn to face him, my mind went blank and all I could hear is a faint sound of my breath.

Boom.

I just got struck right in my head.

Jusko, ang pogi. I knew it! Damit lang ang kulang at daig na ni Zoe ang mga sikat na model! Sheesh.

To Adora, The Melting Dreams. (BOOK 1)Where stories live. Discover now