#23; Drunk people

91 36 52
                                    

Play the music and enjoy reading~


🍑
You and I -
By Kim Jong Wan

---------

Melissa went home after a can of soda, biruin mo--- pagka-tayo ng isang iyon ay naka-umbok na ang tyan dahil lamang sa chicken at soda.

After eating four pieces of chicken legs she even qouted that, "I get fat easily kaya diet is life." What diet? Anong diet ang ginawa niya doon?

'We ate pizza, cake, chicken and a can of soda!' Naniniwala akong hindi diet ang nangyari.

"Maybe we could drink? Dati ay hindi kita masamahang uminom at halos mag laway lang ako kakatitig sa mga alak mo." Fruga kept on insisting that we have to drink together after Melissa went home. Naka nguso ito sa akin at may bahid ng pagkainis ang mga mata.

"Tapos na ang birthday party, kung umuwi ka nalang kaya?" I said with a blank expression, Ignoring his request.

Nakatulala parin ako sa bintana, nag-iisip ng mga bagay bagay pa-tungkol sa dalawang ito.

"Sigurado ka ba? Ayaw mong uminom?" He asked and I slowly nod. I already had one, I think that could be enough to get a goodnight sleep. Hindi naman ako hard drinker kaya mas mabuti na isa lamang.

"Talaga? Iinom o hindi?" Pangungulit nito sa akin.

Ilang segundo siyang nakipagtitigan sa akin, Ipinaglalaban ang kagustuhang uminom kami. Wala akong balak uminom pa kaso habang tumatagal ay papunta na sa pag-iyak ang mukha ni Fruga.

I heavily sigh gave him a 'go-on' look. I gave in, tutal na ngangailangan rin naman ako ng intoxication ngayon. Bakit hindi ko pa ito sagarin?

"Fine, kumuha ka rin ng soda para kay Zoe." Paalala ko dito, hindi na siya sumagot at agad tinakbo ang ref. Nakasunod lamang sa kaniya si Zoe and only God knows what they are talking about.

"Hey, Adora!" Fruga went back with a dozen of beer cans, ano ito? Drinking feast? Dalawa lang naman kami naman kaming iinom, Bakit napakarami niyang dala?

Dapat pala'y inuna ko ng tanggalin ang alcoholic beverages sa ref lalo na't kasama ko si Zoe.

"Oh ho ho, excited na ako." He sneakily sat on the floor, Opening a can of beer with a silly face. Wala namang salita ng tumabi sa kaniya si Zoe.

"Adora c'mere." Zoe said to me when our eyes met, Tapping the floor on his side. The word rings a bell inside my head.

'That's the same thing Zoe told me in my dreams.' Napatulala ako saglit bago muling bumalik ang sariling ulirat.

I watched Zoe trying to get a can of soda. He opened it in just one swift. Para bang napaka-simpleng bagay iyon. If it was me, I'd end up with red fingers. Malamang ay ilang ulit ko muna iyong susubukang buksan bago tuluyang maka-inom.

"Adora, dito ka na." Fruga eagerly said to me, Dxcited na excited sa mga beer na nakikita.

Napakamot ako sa aking noo, Oh look at them. Paano ko magagawang pag-dudahan ang dalawang ito?

They look so close at kung hindi ko lang siguro alam na may kakaibang pinanggalingan ang dalawang ito ay iisipin kong magkapamilya nga sila.

"Sige titigan mo kami hanggang matunaw na lahat ng fats ko." Fruga said, I snapped from my thoughts and gave him a spitting glare.

"Mag-diet ka kung gusto mong matunaw yang fats mo sa ulo." Umirap ako dito bago lumapit sa kanila, Zoe looks alert when he saw me walking towards him.

To Adora, The Melting Dreams. (BOOK 1)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon