40; Itchy, Itchy, what?

79 12 22
                                    

Our baby Zoe in the picture.🍑🍑🍑

Enjoy reading!

---------------

"Naaalala niyo ba yung suspect na taga kabilang apartment? Iyong maingay at laging nagdadala ng mga adik sa lugar nila? Tsk! Nahuli na kaninang madaling araw," Dr.Sam shared another gossip he got today.

Kanina lamang ay ang sikat na actress na may scandal ang kaniyang kinekwento sa amin--- ngayon naman ay iyong kapitbahay namin.

"Si Jay? Oh bakit? Napatunayan na ba?" Tanong ni Trillio habang hinihiwa ang steak sa kaniyang plato.

"Oo!" Bigla na lamang tumaas ang boses ni Dr.Sam, na sobrahan yata sa pagiging excited na ilahad ang kaniyang alam. "Serial murder tsaka multiple injuries ang kaniyang kaso ngayon."

"Langya sabi ko na nga ba walang matinong gagawin iyang isa na 'yan." Ngumiwi naman ang kausap nitong si Trillio bago sinubo ang pagkain.

"Talaga? Hindi ba't last week lang daw iyan? Mabuti naman ang mabilis ngayon ang otoridad." Cresent said with the intent of mocking the police force.

"Seryoso Cres?" Sambit ni Bongshim, nagtatakabg lumingon ang tatlong lalaki sa kaniya.

"Nilalait mo ba ang mga pulis? Hindi ba't criminology naman ang natapos mo?" Dagdag bi Bongshim bago umirap sa kaniya.

Nagtawanan ng dalawang lalaki at sumangayon kay Bongshim, Cresent had no other choice but to grumpily shut up.

Napailing ako sa naririnig na usapan mula sa kanila at pinagpatuloy ang pagkain. I'm currently sitting at the center, ang aking nasa kanan ay sila--- Melissa, Celia, Dr.Sam and Trillio. Sa kaliwa naman ay doon nakaupo ang iba--- Zoe, Bongshim, Larry and Cresent.

Uncomfortable narito ako sa upuang nilaan nila para sa akin. I don't think it's right to seat here. Lalo na't mas matanda sa akin sina Celia, Trillio at Larry. Isa dapat sa kanila ang nakaupo ngayon, Hindi ako.

Patuloy sila sa pag-uusap, nakikisama na rin si Larry sa kanilang biruan habang kumakain.

Mabuti na nga lang talaga at kilala ko silang lahat dahil kung hindi ay malamang hinimatay na ako sa stress na nakukuha mula sa kanilang bulgarang chismisan.

Nanatili akong tahimik na kumakain hanggang sa bigla akong kalabitin ni Melissa sa balikat. My brows forrowed as I confusedly looked at Melissa.

She smiled from ears to ears and unconciously blinked her eyes twice faster. Lalo lamang nagusot ang aking mukha kahit na pinipilit kong ngumiti sa kaniya.

"Miss A," panimula niya.

"A-ah, ano iyon?"

"Kasi, wala kasi si Fruga." Lalo lamang tumindi ang kaniyang ngiti, ang pisngi ay nagsisimulang mamula paunti unti. Naguguluhan ako sa gusto niyang itanong sa akin, hinahanap ba nito si Fruga o ano?

"Go on," sambit ko.

"Nasaan siya ngayon Miss A? Nagbakasyon ba siya? Ah, Kailan po siya babalik? Tsaka may nasabi ba siya tungkol sa akin? Kahit konti? Uhm, hindi po siya sumasagot sa tawag. Okay lang ba siya?" Tuloy tuloy niyang tanong sa akin.

Ang mga mata niya'y puno ng pag asang masasagot ko lahat iyon. Unti unti akong napasandal at nawalan ng gana upang kumain ulit.

Panandalian akong napatitig dito habang unti unting rumerehistro sa akin ang sitwasyon. Hinahanap nito si Fruga at tinatanong kung kailan babalik. Which indicates that she knew that Fruga has been gone for weeks.

To Adora, The Melting Dreams. (BOOK 1)Where stories live. Discover now