#16; jealous?

135 44 44
                                    


Jealous baby Zoe on the picture 🍑

Enjoy reading.

---------

"Wala akong pera. Tsaka di ko alam pano umuwi sa bahay."

Nag echo iyon sa tenga ko.

Ano?

Siraulong 'to!

Pakiramdam ko'y umakyat lahat ng dugo ko sa aking ulo, ni-hindi nga ako makalingon sa dalawang estudyanteng nag-hagikgikan dahil sa narinig nila.

Bakit ba kasi nakikinig sila? Ang bata bata napaka-chismosa!

"Tss." Napairap ako at napadampot bigla ng libro.

"Kung alam mo kung paano umuwi at may pera ka ngayon, iiwan mo talaga ako dito?" My eyes sharply darted on his, medyo nangunot ang noo niya dahil sa ginawa ko.

"No." Sagot nito na para bang napaka-impossible ng aking sinabi.

"Why would I leave you? Kung pwede nga lang na sumama ako sayo tuwing aalis ka ng bahay ay gagawin ko na." Zoe stated.

Hindi ko alam pero bigla akong dinapuan ng nahiya. Para bang nakakapaso ang pakiramdam ko ngayon dahil sa kakaibang narinig mula sa kaniya.

Grabe, ang init.

Just imagine--- naiinitan ako sa loob ng airconditioned na mall, Kakaiba na talaga ang mga sinasabi ni Zoe.

Lumakas ang hagikgikan ng dalawang bata sa likod, nag susundutan sila ng tagiliran habang pasulyap sulyap sa aming dalawa. Daig pa ang mga kiti kiti kung magharutan, Akala mo rin naman ay nakakita ito ng artista. Ano nanaman iyang ginagawa nila? Ngayon kinikilig ulit sila pagtapos nila akong pagtawanan kanina?

"Na---nahanap mo na ba yung gusto mong bilihin, huh Zoe?" Mabilis akong tumalikod at nagkunwaring mag hahanap ng libro sa bandang ito.

Wala sa isip akong napadukot ng kung anong libro doon. I pretended I was reading the title and nodding abit.

Sinulyapan ko ang dalawang bata na nakangiti habang nagbubulungan, ang mga mata'y nakapako kay Zoe.

'Sheesh.' Patago akong umirap at muling hinarap ang hawak na libro. My eyes widen abit at the sight of it. Tinalikod ko pa ito upang makita kung ano iyon bago napadpad ang mga mata sa shelf na pinagkuhanan ko nito.

Ah, bakit nasa children's book na ako? What the?

"Adora alam mo naman diba?"

"A-ang ano?" I stutter. Nabigla kay Zoe. Talaga namang madalas lumayo ang aking wisyo kapag si Zoe ang iniisip ko.

"Na gusto kitang lagi kasama." Simpleng sagot nito bago tinuloy ang pagtitingin ng kung ano sa kaniyang harap.

Nasamid ako.

Nasamid ako sa narinig. Once is enough but twice is killing my resolve. Kinakailangan ko pa yatang paalalahanan ang sarili na huwag pansinin ang lahat ng mga lumalabas sa bibig nito dahil kung hindi ay ako rin ang malulugi.

'Ano ka ba adora? Have some manners! Diba yan naman talaga ang gusto mong marinig? Now what are you doing.' My inner-self said so.

"Adora buy me this one." Hinawakan niya ang aking siko at hinarap ako sa kaniya, he showed me two boxes of clay.

Hindi iyong clay ang dahilan ng aking pag ngiti--- It was his sweet and sheepish smile that gives me thousands of reason to put a smile on my lips.

To Adora, The Melting Dreams. (BOOK 1)Where stories live. Discover now