45; Room 101

58 7 6
                                    

Play the music and enjoy reading.


🍑
Round and round -

By Heize

----------


He's back,

And he's also willing to tell me everything he knew! Hindi ba't ito naman ang gusto kong mangyari? Pero bakit?

Bakit parang gusto kong umatras at huwag isipin na siya nga ang nagiwan ng mensahe. But who am I fooling? Sarili ko lang din naman.

Ang maliit na papel na ang hawak hawak ay mabilis kong nilukot at tinago sa bulsa ng shorts. My breathing hitched at the thought of what will happen.

Isa pa, Hindi siya nagpakita at nagiwan lamang ng sulat para sa akin. That's really odd, wala naman na tayo sa panahon kung saan ang sulat lamang ang nag iisang means of communication.

"Sheesh, what to do?" Bulong ko sa sarili.

Kahit na naguguluhan at tila nahihilo na, Tinakbo ko ang distansya ng terrace papuntang kwarto upang kuhanin ang cellphone.

Mabilis ko itong binuksan at nagtipa agad ng mensahe para kay Fruga, 'Where are you? Are you okay?'

Ni-hindi ko man lang alam kung saan nga ba galing ang pag-aalala ko para dito. Nag-send pa ako ng ilang mensahe dito at pabalik-balik ang lakad sa loob ng loob ng kwarto.

Lumipas ang ilang segundo wala pa ring reply, I knew he won't reply back--- pero nagbakasali pa rin ako.

Napapikit ako at napagtantong hindi ito gagana, nainip lamang ako at lalong nataranta.

I decided to get out of my apartment door and run downstairs. Pupunta ako sa likod, i-checheck kung nakalayo na nga ba siya o hindi.

Baka naroon pa siya! Pero paano kung oo? Hindi ako handang makaharap ito pero gusto kong malaman kung kamusta na siya. Oo naman at may paki rin naman ako sa kaniya!

Habang bumababa ay pinapa-ring ko na rin ang cellphone niya. Tulad ng dati ay wala pa ring sumasagot at nag-riring lamang hanggang mamatay na lang ang tawag.

Nasa pangalawang palapag na ako ng hagdan ng mapag-desisyonan kong ulitin ang pagtawag,

Kasabay ng pag-contact ko sa numero niya ay ang pagtunog ng isang pamilyar na ringtone mula sa isa sa pintong nakahelera sa 2nd floor.

Mahina, halos hindi na iyon marinig kung hindi lang nag-eecho sa loob.

Kumabog ang dibdib ko at napabalik ng ilang hakbang pataas. Sinilip ko ang mga pinto at isa lamang ang may pintuang may siwang ng kaunti, hindi na-isara ng maayos.

Tatlo lang ang apartment room dito, Sina Larry, Celia at Trillio ang naninirahan sa palapag na ito. Pare-pareho silang wala tuwing umaga dahil siguro sa trabaho.

I ended the call and surprisingly, The ringing also stopped.

Kinabahan ako.

Ang buong katawan ay nabalot ng pagtataka. Pakiramdam ko'y binuhusan ako ng malamig na tubig at ang bawat dulo ng aking daliri ay halos magyelo, nanlalamig at tila namamanhid.

My mouth slowly tremble, The fact that there's a probability that the phone that I was calling is inside the apartment completely caught me off guard.

I watch out for my breathing, Slowly breathing in and out. I somewhat lost track off it. Para akong nauubusan ng hininga tuwing nararamdaman ko ang malalakas na kabog ng aking puso.

To Adora, The Melting Dreams. (BOOK 1)Where stories live. Discover now