#27; astounishing

98 27 17
                                    

Our Adora on the picture~

Enjoy reading, Godbless❤

------

"Are you sure about this? Hindi naman na ito needed ah." May halong pag dududa ang aking tanong habang pinagmamasdan ang isang hair extention sa aking harap. Nakaupo ako sa harap nang salamin, hinihintay ang pagbalik ng hair dresser sa aking pwesto.

"Trust me." Kumindat si Fruga sa akin mula sa salamin. Napangiwi ako sa nakita, maski si Zoe ay hindi iyon kinaya at tinakpan ang mga mata ni Fruga.

"What the, ano nanaman ba Zoe?" Fruga asked when Zoe pulled him backwards, dinala sa mini sofa sa di kalayuan.

"Bakit ka kumikindat kay Adora? Bawal yan." Zoe asked, fixedly staring at me.

'Ako ba ang kausap nito? Bakit sa akin sya nakatingin?' I asked myself infinitely kahit alam ko naman ang sagot. Si Fruga ang kausap nito.

"Saang batas mo naman yan nalaman boy? Wala namang inanounce yung Presidente ng bansa ah." Fruga chuckled, making fun of Zoe.

"Sino bang presidente ngayon? Mag susulat ako sakanya." Zoe put his hand on his chin, eyebrows all crumbled together. Nag iisip ng malalim habang nakatingin sa akin sa salamin.

My brows furrowed as I watch him. "Ano nanamang binabalak mo?" Tuluyan ko silang nilingon at nagkatinginan kami ni Zoe.

"Ah." He said, na-gets nito na siya ang aking kausap. "Ipapa-sa-batas ko sana na walang kikindat sayo." He said with a straight face.

Sumimangot ako sa narinig habang si Fruga ay hindi sya pinansin at kumuha lamang ng isang magazine mula sa mini table. Sanay na sa kung anu-anong lumalabas sa bibig ni Zoe. "Oh, I like this color." Fruga said while pointing at the magazine.

"Zoe, hindi yon pwede. Ang batas ay ginawa para sa ikabubuti ng mga taong bayan." Gusto kong matawa sa sariling sinabi, talaga namang nagiging makabayan rin ako kapag kinakailangan.

"Hindi ka ba kasama sa taong bayan, Adora? Are you an outcast in this country?" Gulat nitong tanong, Sheesh. Akala ko pa naman ngayo'y mas matino na ang understanding nito. Pero hindi pala, mas lumala lamang dahil dumadami na ang kanyang alam.

Imagine, napunta na kami sa pag-sasabatas at sa usapang outcast. Anong libro ba ang kanyang binasa kagabi?

"Zoe, hindi ikabubuti nang lahat ang kapag pinag-bawal ang pag kindat." Napairap ako ng wala sa oras. Feeling ko ay tatanda nalang ako bigla sa mga pinag sasabi ni Zoe.

"Hi Madam. Ilalagay na ho natin yung hair extension." A kind looking lady in her 30's aproached me, she's holding a blower in her small hands. She's smiling widely at me. Ngumiti ako pabalik at umupo ng maayos.

"Oh, Adora iwan ka muna namin dito!" Mabilis na tumayo si Fruga, malaki ang ngisi sa akin. Inabot nya ang dalawang paper bags na magkaiba ang brand. Money wise, hindi kamahalan ang biniling damit ni Fruga. Just enough to fit my budget but the style looks like a luxurious one.

Hindi ito dress, kundi isang formal attire ang kanyang pinili dahil hindi naman daw ako bridesmaid. Tsaka fashion is a must,  he pinpointed. Hindi ko naman iyon maintindihan, what's important is that I look decent in these.

"Magpalit ka nalang sa C.R nila, hintayin mo kaming bumalik dito ha!" bilin nito. Akala mo naman ay tatay ko sya. Nagkatinginan kami ng hair dresser, malamang ay nag tataka kung bakit ako binibilinan ng isang 'bata'.

"Oo na, bumili na kayo ni Zoe nang isusuot nya. Dalawa't kalahating oras nalang oh!" Agad kong reklamo sakanya at pinagtabuyan sila ni Zoe.

Muli akong umayos ng upo, sumandal ako at nirelax ang sarili. The lady gently brushed my hair, napagaan ng kamay nya.

To Adora, The Melting Dreams. (BOOK 1)Hikayelerin yaşadığı yer. Şimdi keşfedin