#17; heartbeat

108 42 40
                                    


Enjoy reading!

Zoe at the image.🍑


----------

Wala nang ibang bukang bibig si Zoe ngayon kundi ang jealous, jealous, jealous!

Puro nalang, 'Adora I'm jealous of these and that and those and blah blah blah.'

Noong una ko itong narinig ay nawala ako sa sarili ko. Pakiramdam ko'y lumabas ang kaluluwa ko mula sa katawan ko at panandaliang pumanaw sa sobrang kilig.

Pero ngayon,

Halos sumabog ang ulo ko sa inis tuwing naririnig ko si Zoe at sasabihin niyang jealous daw siya sa kung ano anong nakikita nitong pinagtutuunan ko ng aking pansin.

Kahit layuan ko ito at pabayaan sa isang tabi ay talagang sinasadya pa niya akong lapitan para lamang sabihin ang kaniyang 'nonsense concern.'

"Zoe, itaas mo nga muna iyang mga paa mo. Hindi ko malinis yung banda dyan, Bilis na." Tinapik ko ang paa nitong nakaharang sa aking harap.

Halos hindi na ako magkanda ugaga kakayuko dito para lamang masiguradong nadaanan ang lahat ng parte sa bahay ng vacuum na aking hawak hawak. Sheesh, sa lahat ba naman kasi ng tatambayan ng taong ito--- Talagang dito pa niya naisip tumayo, kung saan ako mismo nag-lilinis!

"Adora." Nagpapacute nitong sabi sa akin. Hindi ko siya sinipat at pinagmasdan lamang ang hita nitong nakaharang sa aking paningin.

"Adora naman," sambit ulit niya, Imbes na pansinin ito ay hinampas ko lang muli ang hita niyang nakaharang at tuluyang sumimangot na.

"Zoe, go away and watch some movies or something." I spat out.

Tumuwid ako ng pagkakatayo at pinamaywangan ko ito pero hindi siya umalis doon sa kaniyang kinatatayuan at tinitigan lang ang kamay kong hawak hawak ang vaccuum.

"Adora, I'm jealous of that thing, buti pa siya hinahawakan mo." He pointed at the vaccuum I'm holding. Maski ako napa-lingon sa hawak na vaccuum at pabalik sa kaniya.

Seryoso siya sa kaniyang sinabi, hindi ko tuloy malaman kung matatawa ba ako o tuluyang maiinis sa naririnig mula sa kaniya.

'Ano? Is he serious? Nasiraan na yata ng ulo itong si Zoe.' Pinagmasdan ko siya mula ulo hanggang paa-- Hindi mahanap ang dahilan kung bakit napaka-abnormal ng kaniyang pagiisip. Umiling ako bago siya tinitigan ng matalim.

'Adora, just let him be.' Pagpapakalma ko sa sarili. Iniisip ko na lamang na darating din ang panahon na matino ko itong makakausap, hindi tulad ngayon na para pa siyang galing mental hospital.

"Miss Adora. Miss?" Pareho kaming napalingon ni Zoe sa pintuan ng may marinig na kumakatok.

Nagkatinginan kami at agad kong pinasa sa kaniyang kamay ang vaccuum na aking hawak. His face turn sour when he accepted it, Halatang ayaw iyon tanggapin mula sa akin. Parang bata na nagtatampo.

"You're jealous, right? Here hold the vaccuum all you want." Ngumusi muna ako sa kaniyang harap, pinapamukha kung paano nag-backfire ang kaniyang mga rants sa akin.

Napailing ako habang may ngiti sa labi bago dumiretso sa pinto upang harapin ang kung sino mang kumakatok doon ngayon.

Jealous huh? How about a date with the vacuum?

"Adora." He whims, Pinapadyak ang mga paa sa sahig--- parang isang baby na naubusan ng gatas at nagpapatimpla pa. Ang lakas nitong mag-maktol sa akin.

To Adora, The Melting Dreams. (BOOK 1)Where stories live. Discover now