#26; A blonde Princess with?

104 28 53
                                    

Adora on the picture~

-------

"Adora paabot ng kanin---" Mahinanong request ni Fruga habang tinuturo ang isang plato ng kanin sa aking harap, Hindi pa man siya tapos magsalita ay pinutol ko na agad ang utos ng isang ito sa akin, busy'ng busy pa akong magtanggal ng bakas ng laway sa aking pisngi!

"Tss." He hissed, may binulong bulong pa ito ngunit hindi ko nalang pinag-tuunan ng pansin. I once again looked at the small mirror infront of me, napasimangot ako ng mapansing malaki parin ang bakat ng laway sa aking pisngi.

"Ayaw matanggal." I said to myself while trying to take it off with a tissue.

Malapit nang matapos maligo si Zoe at hindi naman yata tamang hangang almusal ay may laway pa ako sa mukha at damit!

"Sige ituloy mo para mabura yang taba mo sa mukha." Tumayo si Fruga sa hapag kainan at mapang asar itong nag-komento sa ginagawa ko. I gave him a deadly glare, konti nalang ay itatapon ko na siya sa animal wellfare.

"Wipes kasi gamitin mo! Ang tanda mo na hindi ka pa rin natututo!" Bumalik siya at padabog na binaba ang baby wipes sa harap ko. Muling napaangat ang tingin ko rito, he looks like a balloon with a face, pero dahil inabutan ako nito ng wipes ay mukha na siyang chibi balloon.

"Thank you." Umirap ako dito at ganoon din ang ginawa niya bago muling naupo sa hapag kainan.

Himala nga dahil siya pa ang nag-luto ng hotdogs and sunnyside up eggs. Kaso sunog lang talaga ang ilan. Pero okay na rin, atleast natakot siyang malason kapag ako man ang maghahanda ng kakainin nito.

"Effective huh." I commented, pinunas ko ang wipes sa aking mukha at mas mabilis na wawala ang mga bakas nang pinaghirapan. Hindi rin ito namumula di tulad kapag tissue ang ginamit.

"Malamang." He proudly replied. Pinagpatuloy ko ang pagbubura ng laway sa aking mukha hanggang sa tuluyan itong nawala.

Kumuha ako ng bagong wipes at pinunas naman ito sa aking damit sa may bandang balikat.

Kaya pala ito tinititigan ni Zoe kanina, puno na pala ng laway ang mukha ko at balikat. Hindi man lang niya binanggit sa akin, instead ay nagpigil pa ito ng tawa! Sheesh, nakakahiya ang kapal pa naman ng mukha kong makipag-usap sa kaniya ng harap harapan.

"Adora oh---" Fruga said, sinulyapan ko ito at nakita ang hawak niyang hotdog na nakatusok sa tinidor.

Nilapit niya ito sa mukha ko, With no clear explanation--- I instinctively bite on it. For the record, hindi lasang siraulo ang hotdog na sinunog niya.

"Now you can cook. Sa susunod, mag luluto ka ng sarili mong pagkain at wag ka na ulit magpapaluto sa akin!" I said, tutal marunong naman na siya ngayon.

"Hehe." Ngumisi ito habang punong puno pa ang mga pisngi ng pagkain. Muli niyang nilapit sa aking mukha yung hotdog, sheesh! Ano ba yan! Ipapalit niya ba iyang hotdog sa ilong ko? Kulang nalang ay idikit niya ito sa pisngi ko.

Wala akong nagawa kundi kagatin ito ng mas malaki, feeling ko kapag hindi ko ito nginuya ay mabibilaukan nalang din ako bigla.

"Fruga." May tumabig sa kamay ni Fruga at tumalsik ang tinidor kasama ang kalahati ng hotdog.

Nagkatinginan kami ni Fruga, nagulat kaming pareho sa nangyari. Nag matrix ang hotdog. Dahan-dahang lumipad ang mga mata ko sa aking kaliwa at nakita si Zoe.

Nakahawak ang isang kamay nito sa sandalan ng aking inuupuan at ang isa'y nasa lamesa naman. Pakiramdam ko'y kinulong niya na ako sa kaniyang harap.

To Adora, The Melting Dreams. (BOOK 1)Where stories live. Discover now