Lost Stars

1.7K 67 7
                                    

"Are we all Lost Stars? Trying to light up the dark"

-Adam Levine (Lost Stars)

















































Nagising ako dahil sa kalabog na narinig ko

Minulat ko ang mga mata ko at inayos ang eyeglasses ko

Hinang-hina akong naupo habang hinihilot ang sentido ko

Para akong nalasing at nagka-hangover

Tinignan ko ang relo ko

Its 12:45 pm

Nilibot ko ang paningin ko sa paligid

Nasa rooftop parin ako at wala namang bakas ng kahit anong kakaibang pangyayari

So? Panaginip lang ba yung nangyari?

Yung maliwanag na bagay na papunta saakin lulan ang isang lalaki




Isang lalaki?!







"Hi Bes"


Naalala Ko ang sinabi niya! Sayang nga at hindi ko naaninag ang itsura niya dahil sa sobrang liwanag

Hindi kaya siya si Starboy?! Siya yung batang lalaki na Matagal ko nang hinahanap?!

Sinampal ko naman ang sarili ko

"Karrie! Kakasabi mo lang na gigising ka na sa realidad tapos nag-iimagine ka na naman?! Panaginip lang yun. Ano ba? Gising ka na pero nananaginip ka parin!" Sabi ko sa sarili ko


"Baliw na talaga ang mga tao gosh"

Napatigil ako dahil sa isang boses na narinig ko

Dahan-dahan akong napatingin sa kanan ko






"AAAAAAAHHHHH!! RAPIST!!!!" sigaw ko







Agad akong napapikit dahil sa gulat

Isang matangkad na lalaki ang bumungad saakin

And he is naked!!!! I've never been in a place with a naked guy!

"Gosh girl, Hindi kita papatusin. Di tayo talo, kadiri!" Rinig Kong sabi niya

May pagka-malambot ang malalim niyang boses

Teka------?!

"Bakla ka?!" Tanong ko nang nakapikit parin

"Duh?! Obvious ba? Kahit sa planeta namin uso rin naman ang lgbtq noh!"

Napadilat naman ako sa gulat

"P-Planeta?!"

Napatingin ako sa hitsura niya

Mukha naman siyang tao----taong bakla

Pero may kakaiba parin sa kanya eh Hindi ko lang alam kung ano

Blonde yung buhok niya na aabot hanggang balikat at may bangs siya-----teka! Pamilyar ang buhok niya!

"Ugh?! Yeah? Planeta! Planet? Ngayon mo pa ba narinig yan? Gosh Hindi ko alam na Mas bobo pa pala ang mga tao kesa sa description nila sa briefing namin" sabi niya nang maypa-irap pang nalalaman

Conspire [COMPLETED]Where stories live. Discover now