Fly Me To The Moon

1.4K 65 1
                                    

"Fly me to the Moon and let me play among the stars,
Let me know what spring is like on Jupiter and Mars"

-Jason Mraz (Fly me to the Moon his version)






















"One Cafe Latte please"

"One Cafe Latte coming right up!" sagot ni Archie

"Gusto ko yung Sprinkle of Galaxy design niyo ah, Instagramable" komento nung customer

"Thanks, Sir. How about me, am I instagramable too?" Malanding tugon ni Archie

Tumawa naman yung customer at bumalik na sa mesa niya

"Hoy Arsenio! Maya na yang landi mo!" Banat ni Buern

Napatingin naman ako Kay Buern na busy sa pagawa ng kape

Natawa nalang ako dahil nagawa niya pang barahin si Archi sa sobrang busy niya

Nang matapos na siya ay pinindot niya ang bell hudyat na ready na ang order

*Ting!*

"Cafe Latte for table 20!" Sabi ni Buern "Ay ang tagal!"

"Sandali lang! Kaloka tong cannibal eater na 'to"

Napatingin naman ako sa likod ko at bumungad saakin ang nakabusangot na si Vicey

Napangiti naman ako habang kinukuha niya yung order na kape mula Kay Buern

Pinagmasdan ko siya ng mabuti

A lot had changed...

Its been a month since he came into my life

Sa loob ng one month na yun marami na ang nag bago

Marami na ang pumupunta sa Nebula Café----which is a good start

Unti-unti nang bumabangon ang Family Business ni Ferdy

Si Vicey ganon parin, masungit na baklang alien parin siya

Pero kung may nag bago man sa kanya----well bukod sa may Naka color pink na wig na siya at may sarili nang make up----yun ay madalas na siyang ngumiti

Marunong narin siyang makihalubilo sa mga tao, minsan nag-ookrayan sila Nina Archie at Buern, actually close na Nga sila eh

Nagkaayos na sila ni Buern, sila din ni Karla

Nagwe-waiter narin siya----este "waitress" daw pala sabi niya

Hanggang ngayon di parin alam nina Ferdy, Buern at Archi na siya ang may dahilan kung bakit dumami ang mga pumupunta sa Café, dahil narin sa kagustuhan niya

Baka daw kasi mahiwagaan sila kung paano niya nagawa yun overnight at kung saan niya nakuha ang mga materyales na ginamit dito eh ang pagkakaalam nila naghihirap din siya kasi Nga tnt na nagmula sa States ang pagpapakilala ko sa kanya

Nagi-guilty Nga ako to take all the credit eh hay.

Ako naman....wala naman masyadong nagbago saakin

Eto parin ako----umaasang mahahanap ko si Starboy

"Oh sige na mag ready na kayo. Malapit nang mag 6 pm. Magsasara na tayo" anunsyo ni Ferdy

7 am-11 am ang morning shift namin. 11 am-1 pm break time na namin yan kasama narin ang paglilinis ng Café para sa afternoon shift which is 2 pm-6 pm

Conspire [COMPLETED]Where stories live. Discover now