Panaginip

1K 64 9
                                    

"At kay bilis ng iyong paglisan ba't nagkaganito? Sa'n ba nagsimula ang gulo?"

-Marion Aunor (Akala)






Vice's POV

"Vice, tama na yan" pag-awat saakin ni Jackie sabay agaw ng bote na iniinom ko

"Akin na yan" malamig kong sabi sabay bawi ng boteng iyon

"Isang linggo ka nang ganyan, Vice. Its our company outing, mag saya ka naman"

Napatawa ako ng mapakla "Magsaya? Hindi ko na alam kung paano"

Tinuga ko ulit ang boteng hawak ko

Bumuntong hininga siya "Why are you holding yourself back with a woman who left you for no reason?"

Natigilan ako at Napatingin sa kanya "Because I love her"

"Right. Bakit ko pa ba tinanong? Nasaktan tuloy ulit ako" sabi niya sabay pilit na tumawa

Kumunot ang noo ko sabay tinunga ulit ang boteng hawak ko

"Why can't you see me, Vice?"

Natigilan ako sa sinabi ni Jackie

I saw tears in her eyes

"Nung nalaman ko na hiwalay na kayo, I thought...I thought may pag-asa na ako sayo pero eto parin ako, rejected" pinunasan niya ang luha niya at hinawakan ang kamay ko

Nagulat ako sa ginawa niyang iyon

"Pero isang linggo pa naman. Magagawa mo pa naman akong mahalin diba?"

Pasimple kong hinila ang kamay ko mula sa pagkakahawak niya

Alam kong napansin niya ang ginawa ko kaya bigla siyang tumayo mula sa pagkakaupo sa bar stool sa tabi ko

"I will wait for that to happen. Alam ko, Balang araw magagawa mo rin akong mahalin" sabi niya

Akmang aalis na sana siya nang magsalita ako

"Bakit ka nagaaksaya ng oras sa saakin, Jackie?" Tanong ko

Nakita kong nagulat siya sa tinanong ko "A-Anong ibig mong sabihin?"

"You're still young. You can still find a better man, yung kayang masuklian ang pagmamahal mo"

"Pero ayoko ng iba, ikaw lang ang gusto ko"

Napatawa ako ng mapakla "Do you really like me that much? Or Are you planning something?"

Nakita kong nagulat siya sa sinabi ko "W-What? A-Ano bang sinasabi mo? You know what? You're drunk. Tama na yan, magpahinga ka na"

And with that dali-dali na siyang umalis

I'm not that stupid. I know may pinaplano rin si Jackie at nag-aantayan lang kaming magbukingan

She doesn't really love me

She's not really hurt by what I've said

Her eyes doesn't lie. Kahit may luha pa sa mata niya. I can distinguish if its acting or not

I know may alam na siya kung sino ako at kung ano ang pakay ko sa kanya at yun ang lamang niya saakin

At alam ko ring may kinalaman talaga siya sa misyon ko

Conspire [COMPLETED]Where stories live. Discover now