You Are The Reason

1.1K 64 9
                                    

"I'd climb every mountain and swim every ocean. Just to be with you and fix what I've broke. Oh, cause I need you to see that you are the reason"

-Calum Scott (You Are The Reason)











































"Come out, come out wherever you are" sabi ni Six

Nakita kong papalapit siya sa pinagtataguan ko kaya napatago ako at napapikit

Halos himatayin ako sa gulat nang bigla akong makaramdam ng kamay sa balikat ko at bago pa ako maka sigaw ay tinakpan niya ang bibig ko ng kamay niya

Nagulat ako sa kung sino ang gumawa non at lumakas lalo ang tibok ng puso ko

Si Vicey...

"Tumahimik ka kung gusto mong mabuhay" rinig kong sabi niya sa isip ko

Kumalma naman ako at tumahimik

"Papalapit na siya" sabi ni Vicey sa isip ko

Napapikit naman ako sa takot

Umalingawngaw naman ang pagtunog ng cellphone ni Six

"Jackie" rinig kong pag sagot ni Six doon sa tumawag sa kanya "Yes, we really need to meet right now. May problema tayo. Alam na ni Karrie...at mukhang nakatakas pa siya ngayon. I'll tell the details later. Same time, same place. I'll see you there"

And with that nakarinig ako ng yapak papalayo

Napatingin naman ako kay Vicey at nakita kong sinisilip niya kung nakaalis na talaga si Six

Maya-maya pa ay tinanggal na niya yung kamay niya na nakatakip sa bibig ko

"Wala na siya" sabi niya

Napahinga ako ng maluwag

Bigla nalang tumulo ang mga luha ko

Napabuntong-hininga naman si Vice at hinarap niya ako sa kanya at seryosong tinignan sa mata

"May masakit ba? Sinaktan ka ba niya?" Nag-aalala niyang tanong

Umiling lang ako

"Look, I want you to listen carefully, kunin mo ang mga gamit na kaya mong dalhin mula sa hotel room mo. Ngayong may alam ka na, nanganganib na ang buhay mo" seryoso niyang sabi

Kinabahan naman ako sa sinabi niya

"P-Pero hindi ako pwedeng bumalik doon" sabi ko

Kumunot ang noo niya "Bakit naman?"

"Kasi sa rest house ni Six ako nakatira ngayon"

Nakita ko namang nainis siya  nalaman niya

"Fine then. Let's go now" sabi niya

Nagulat ako nang bigla niyang kunin ang kamay ko at sabay kaming tumakbo papunta sa parking lot kung saan naroroon ang sasakyan niya

Dali-dali akong umupo sa passenger's seat at siya naman sa driver's seat at agad-agad niyang pinaharurot ang sasakyan niya

Maya-maya ay nakalayo narin naman kami sa resort

Pinunasan ko ang luha ko at napatingin kay Vicey na seryoso lang na nakatingin sa daanan

Conspire [COMPLETED]Where stories live. Discover now