Baguio

1.4K 69 6
                                    

"I know you're a star.Where you go I follow. No matter how far. If life is a movie. Oh you're the best part"

-Daniel Caesar (Best Part)







Today is the day. Ang araw na kung saan dadalhin umano kami ni Vicey sa Coffee Bean Plantation nila sa Baguio

Maaga akong nagising at naghanda dahil maaga rin dapat kaming umalis dahil malayo-layo rin ang Baguio

Chineck ko naman ang mga gamit ko

Extra sweaters, check!

Pinaka importante yun

Pera, check!
Cellphone, check!
Extra Clothes, check!

Alright, I'm good to go

Napatingin naman ako sa salamin

Bumungad saakin ang repleksyon ko na naka black hoodie na may naka-print na logo ng Chicago Bulls at black leggings with matching black converse rubber shoes. Naka bun naman ang kulot kong buhok at isinuot ko narin ang glasses ko

Ayokong mag contact lenses kapag nagba-biyahe dahil feeling ko Mas maduduwal ako

Nakarinig naman ako ng pagkatok mula sa labas

Dali-dali naman akong tumakbo papunta sa pinto at pag bukas ko-----bumungad saakin ang team vice

Naka maleta sila at mukhang babiyahe papuntang ibang bansa dahil sa awra nila

"Oh? Pupunta kayong abroad?" Bungad ko

Natawa naman sila

"Ma'am Karrie, ano ka ba! Dapat always ready noh? Kaya kung kinakailangan kahit buong bahay na ang ie-empake then gora!" Sabi ni Archi

Oo nakabalik na si Archi at nalaman narin niya ang lahat, mula sa pag babalik ni Vicey hanggang dito sa business proposal niya

Medyo naka move on narin siya though masakit parin sa kanya ang pagkawala nung nag alaga sa kanya mula pagkabata. Sinabi niya na life must go on kaya move on move on rin daw pag may time

Hay. Buti pa siya ang bilis maka move on

"Eh teka nga, ba't ba kayo andito? Akala ko ba sa Café tayo magkikita?" Tanong ko

"Ah...a-actually Ma'am Ka------"

"Actually, ihahatid ko kayo"

Nabigla ako sa nagsalita

Napatingin ako dito and yes, yung baklang alien nga, si Vicey

"Meme!" Bati ng team vice at nagbeso pa sila

Napatingin naman saakin si Vicey pagkatapos

"Oh? Ano na Earthling? Saan na ang gamit mo? Tara na! Mahaba pa ang kalsadang tatahakin natin" sabi niya

"No thanks. May van na kaming ni-renta" sabi ko

"Don't worry, Ma'am Karrie dahil ki-nancel na namin yun" sabi ni Buern

Nanlaki ang mga mata ko "ANO?!"

"Yun naman pala eh, edi tara na" sabi ni Vicey at nauna na siyang maglakad

Aba't--------?!

"Tara na Ma'am Karrie!" Sabi ni Aaron

At sumunod naring silang maglakad pababa

Conspire [COMPLETED]Where stories live. Discover now