Unexpected Kiss

1.2K 54 4
                                    

"I'm in the corner, watching you kiss her. I'm right over here, why can't you see me?"

-Calum Scott (Dancing On My Own)










Karrie's POV

Ilang minuto narin ang nakakalipas mula kanina at Unti-unti naring humihina ang Malakas na ulan

Lumala naman yung sinat ko pero Buti nalang at nasa bisig parin ako ni Vicey kaya naiibsan ang lamig na nararamdaman ko

Tahimik lang kami.

"V-Vicey?" Tanong ko

Hindi naman siya sumagot

"Tulog ka na ba?" Muling tanong ko

Napatingin ako sa kanya at tulog na nga siya

Hindi ko maiwasang mapatingin sa tahi bandang tiyan niya

Kahit flashlight lang ang nagsisilbi naming liwanag ay aninag ko parin iyon

Ano kayang nangyari doon?

Mukhang ang lalim ng sugat na iyon. Napansin ko na iyon nung una naming pagkikita pero iba parin pag sa malapitan

Akmang hahawakan ko na iyon nang biglang hinawakan ni Vicey ang kamay ko at pinigilan akong hawakan iyon

Nagulat naman ako

"V-Vicey! Gising ka pa!" Gulat kong tanong

"Nagising ako dahil sa'yo, ingay ingay nito kitang natutulog yung tao" mataray niyang sabi

"Tsk tao? Eh di ka nga tao eh" sabi ko

"Nasa anyong tao ako ngayon kaya may karapatan ako para sabihin yung salitang 'tao' sa pag-describe sa sarili ko"

Hmm....nasa anyong tao siya pero...yung tahi niya...paano?

"Y-Yung tahi sa may bandang tiyan mo....paano mo maipapaliwanag yan?"

"Ito?" Sabi niya sabay turo doon "Ikaw, may pagnanasa ka talaga saaking merlat ka ano! Hoy mandiri ka di tayo talo!"

"Tsk iniiba mo naman ang usapan eh. Saan ba talaga yan galing?"

Ilang Segundo naman siyang natigilan

"Curious ka talaga?" Tanong niya

Tumango lang ako

"Sa totoo lang, hindi ko alam kung bakit kahit nasa anyong tao ako ngayon eh andito parin ito. Siguro, dahil sobrang lalim ng sugat na ito kaya kahit ano pa ang anyo ko, nadadala ko ito" sabi niya

"Bakit ka nagkasugat ng malalim diyan?"

"Sabi ni Ama, pagkatapos niya akong mailigtas mula sa mga scientists na pumatay sa ina ko, naghihingalo na daw ako dahil sa dami ng dugo na nawala saakin gawa ng lalim ng sugat ko dito sa tagiliran...sinimulan na palang buksan ng mga scientists yung katawan ko pero Buti nga't nailigtas agad ako ni Ama. Naagapan naman yung sugat ko at nabigyan agad ako ng sapat na dugo at hanggang ngayon buhay pa ako eh kaso...andito pa ang peklat nung sugat na iyon na ang pangit tignan" pagpapaliwanag niya

"Sexy kaya"

Nanlaki ang mata ko sa sinabi ko at napatakip ako ng bibig

Did I say it out loud?!

Conspire [COMPLETED]Where stories live. Discover now