Epilogue: Parallel Universe

1.5K 94 67
                                    

"In a parallel universe, everything in reverse. Maybe you could be mine"

-Clara Benin (Parallel Universe)





















































"Akala niyo matatakasan niyo ako?!" Galit na sabi ni Six na paika-ika na at may dugo na sa binti

Nagulat ako nang itinutok niya saakin ang baril na hawak niya at ipinutok ito

Tila tumigil ang lahat. Hindi ako agad nakagalaw sa kinatatayuan ko at tanging nakita ko lang ay ang bala na patungo sa direksyon ko

"Karylle!"

Nabigla ako nang humarang si Vice sa harap ko at niyakap ako kaya't siya ang natamaan ng bala sa likod niya

Tila nabingi ako sa bilis ng mga pangyayari

Napatumba si Vice saakin

Nakita ko naman kung paano pinagbabaril ni Anne si Six hanggang sa mapahandusay na ito sa sahig at malagutan ng hininga

Napabaling ulit ang tingin ko kay Vicey

Agad ko siyang pinahiga sa sahig

Nakita kong papikit na ang mga mata niya

Hindi na mapigilang pa ng mga luha ko na tumulo. Kusa na lamang silang pumapatak

Hinawakan ko ang mukha niya "Lumaban ka Vice! L-Lumaban ka!" Hagulgol ko

"I'll call for help!" Tarantang sabi ni Anne

"Vicey! K-Kumapit ka lang. P-Patapos na ang lahat ng pagsasakripisyo mo. Nagtagumpay ka na sa misyon mo" umiiyak kong sabi

"K-Kar...rie" nanghihina niyang sabi

"L-Lumaban ka, Vicey. Parating na ang tulong, kumapit ka lang. Wag mo'kong iwan"

Agad namang dumating ang mga kasamahan nina Anne at dinala nila si Vicey sa Spaceship nila

Agad kaming sumunod nina Anne at Ferdy

Kinakabahan akong naghintay sa labas ng silid kung asan nila pinapagaling si Vicey

Kasalukuyang nasa loob ng isang capsule si Vicey habang inooperahan siya ng isang machine

Di maawat ang luha ko sa pagtulo dahil sa kaganapang ito

Hindi pa pwedeng mawala si Vicey...hindi pa pwede

"Bruh" biglang sambit ni Ferdy

"H-Hindi pa ako handa na mawala siya, Ferdy. Hindi ko kakayanin" hagulgol kong sabi

Niyakap niya ako at inalo "Just hope for the best and prepare for the worst. Nasasa-kamay na ng Diyos ang mangyayari sa kanya and whatever happens, kailangan natin itong tanggapin ang lahat"

"Dapat ako yun eh. Dapat ako ang nandiyan. Para saakin naman talaga yung balang iyon diba? Dapat ako nalang yun"

"Wag kang magsalita ng ganyan, Karrie. Wag mong sisisihin ang sarili mo dahil wala kang kasalanan"

Bigla namang bumukas ang pintuan mula sa silid kung saan inooperahan si Vicey

Maya-maya ay may lumabas namang Uzekluvakian sa silid na iyon

Conspire [COMPLETED]Where stories live. Discover now