Kalawakan

1.1K 85 13
                                    

"Saksi ang buwan at bituin sa pagmamahalan nating dalawa"

-Music Hero (Klwkn)



A/N: Salamat doon sa nag suggest ng kantang "Klwkn" super duper liked the song, pakinggan niyo guys it's so good

















Nakahiga lang ako ngayon sa kama ko at nakatulala sa kisame habang malalim ang iniisip

"Do I still have a reason to stay?" Naalala kong huling sabi ni Vice bago siya umalis

Napabuntong-hininga ako

As much as I wanted to say, "Me, I'm still here. There's still a reason" hindi ko magawa

Siguro dahil naiilang ako? Nagi-guilty? O baka natatakot?

Natatakot sa thought na baka ako nalang ang kumakapit? I don't know

I just don't have the guts to speak up

Nabigla naman ako nang makarinig ako ng doorbell

Dali-dali akong napatingin sa monitor ng computer na nasa kwarto ko, naka connect yun sa CCTV sa labas kaya makikita ko kung sino ang naroon

Nakita ko namang si Anne na nga ito

Napahinga naman ako ng maluwag at dali-daling lumabas ng kwarto at pinagbuksan siya ng pinto

Isang malaking ngiti naman ang bumungad saakin

"Anne!" Masaya kong bati

She hugged me tightly "I missed you, Karrie! Ang tagal na nating di nagkita!"

I hugged her back "Me too, Anne"

Naghiwalay naman kami at tuluyan ko na siyang pinapasok sa loob at ni-lock na yung pinto

Inilapag niya ang mga supot at bag na dala niya sa mesa "Eto yung mga gamit at one week supply na pagkain, damit and the other necessities you needed"

"Salamat, Anne ha?"

"No problem. By the way, asan si Vice?"

"Bumalik muna kay Jackie, baka magkahinala raw kasi yun na mag kasama kami" sabi ko

"Ah ganon ba? Sayang naman, I need to talk to him about the mission"

Napaiwas ako ng tingin

Eto na naman ako hindi maiwasang ma-curious

"Anyway, kamusta ka na Anne?" Pag-iba ko ng usapan

"Maayos naman kaso...nagi-guilty ako" sabi niya

Naupo naman kami sa sofa ng salas

"Bakit naman?" Tanong ko

"Kasi hindi ako nagpapakatotoo kay Ferdy. Hanggang ngayon di parin niya alam ang tunay kong pagkatao" malungkot niyang sagot

Natigilan naman ako

Ganon din kaya ang nararamdaman ni Vicey?

"Mahirap magtago ng sikreto...." Panimula niya. Napatingin naman siya saakin "...Pero mas mahirap kung dahil sa katotohanan ay mapapahamak ang taong mahal mo"

Conspire [COMPLETED]Where stories live. Discover now