Dive

1.2K 55 11
                                    

"So don't call me Baby, unless you mean it. And don't tell me you need me, if you don't believe it"

-Ed Sheeran (Dive)











"Vice, Ma'am Karrie, andito pala kayo!"

"Kevin!" Masayang bati ni Vicey

Lumapit naman saamin si Kevin

"Galing po ako sa kwarto niyo pero wala po kayo doon tapos sabi nung nurse nakita niya daw kayong papunta dito sa hospital garden kaya ayun" paliwanag ni Kevin saakin

"Ah ganon ba..." Sabi ko

"Kumain ka na ba?" Tanong ni Vicey

"Hindi pa nga eh" sabi ni Kevin

"Oh Tara! Kain muna tayo sa kwarto ni Karylle" pag-aaya ni Vicey

"Ay nako! Wag na Vice Nakakahiya naman Kay Ma'am Karrie"

Tsk Buti pa tong si Kevin may hiya di katulad nang iba diyan! Kainis!

"Hindi ayos lang saakin" sabi ko

"Oh diba? Ayos lang yan Kay Karylle! Tara kain na tayo!" Sabi ni Vicey

Tsk walangya talaga!


*****

Nakabusangot kong pinagmamasdan si Vicey na kasalukuyang sinusubuan ng lugaw si Kevin

Tsk si Kevin ba yung may sakit para siya ang subuan niya?!

Umiwas nalang ako ng tingin

Napatingin naman ako sa asul na bracelet na binigay ni Vicey

Sincere ba talaga siya sa sinabi niya kanina? Na kailangan niya ako? Kasi sa nakikita ko ngayon mukhang iba naman ang kailangan niya eh

"Gusto mo ng tubig?" Tanong ni Vicey

Tumango naman si Kevin

At ayun pinainom siya ni Vicey ng tubig

Tsk! Daig pa ang sanggol kung alagaan

Tumayo naman ako mula sa pagkakahiga sa kama ko

"Oh saan ka?" Tanong ni Vicey habang patuloy paring sinusubuan si Kevin

"Aalis muna ako, baka nakakadistorbo ako sa inyo" sabi ko

"Hoy! Hindi ka pwedeng umalis nang mag-isa!" Mataray na tugon ni Vicey at tumayo siya para harangan ako

Abaaa! So kung di ako mag-isa paalisin pala talaga niya ako?!

"Magsi-CR lang ako! Wag kang O.A! Tabe!"

Tumabi naman siya

Tsk di man lang ako tinulungan sa dextrose ko






*******

A week after...

Maayos na ang pakiramdam ko, nakalabas na ako ng hospital at back to business narin ako. Back to business narin si Vicey sa landian 101 nila ni Kevin, though umuuwi na siya ng maaga this time

Kasalukuyan akong nagre-review ng sales ng Nebula Café sa opisina ko nang biglang bumukas ang pintuan

"Bruh!" Bungad ni Ferdy

Conspire [COMPLETED]Where stories live. Discover now