Manhid Ka

1K 47 0
                                    

"Manhid ka, manhid ka, walang pakiramdam"

-Vice Ganda (Manhid Ka)






















Naglapat ang mga labi nila....

Aksidenteng nahalikan ni Vicey ang labi ni Kevin dahil nga sa pagkakatumba nila



Aksidente nga ba? O sinadya?

Alin pa man doon ay may idinulot parin itong kakaibang sakit saakin

I felt an urge to cry pero pinigilan ko ang sarili ko

Ba't naman ako iiyak nang dahil lang doon?

Kinagat ko ang labi ko para pinigilan ang sarili ko at tumalikod narin ako

"Alright! We have a winner!" Rinig ko nalang na sigaw ni Alex

Napabalik naman ang tingin ko kina Vicey at Kevin at tila naiilang sila sa nangyari pero may halong konting kilig sa mukha ni Vicey

So nagustuhan niya rin?

*******

"Okay lang yan guys! At least we did our best" sabi ni Ferdy

Oo natalo kami, naunahan ni Anne si Vicey dahil nga doon sa pangyayari

"At least sabay-sabay parin nating haharapin ang consequence na ibibigay saatin. We're one in this right, Team Pango?" Sabi ni Kevin

"Yes!" "Team pango for the win!" Rinig kong sabi nila

Wala naman ako sa mood kaya tahimik lang ako habang hinihintay namin yung parusa kuno na ibibigay saamin

Actually, medyo malayo ako sa kanilang tatlo ngayon. Naka-upo lang ako sa isang tabi

Nagsi-siesta na ang iba na nanalo at kakatapos lang din naming mananghalian

"Uy, Earthling" pagtawag ni Vicey saakin

Hindi ko siya pinansin

Hindi ko alam pero naiinis ako pag nakikita ko ang mukha niya

Tumabi naman siya saakin at siniko ako "Huy!"

"Ano ba?" Irita kong sabi

"Ikaw naman, masyado ka namang affected sa pagkatalo natin"

"Mas mabuti na yung affected kesa sa walang nararamdaman. Kesa sa iba diyan na MANHID!"

Kumunot ang noo niya "Ano bang meron sayo? Ba't ang init ng ulo mo? Natalo lang tayo parang end of the world na. Mas marami pang bagay na dapat intindihin, Karylle. Tanggapin mo nalang na talo tayo"

Yun na nga eh. Kahit Anong pilit kong tanggapin na talo na ako sa labanan yung puso ko pinipilit parin ang sarili ko sayo kahit alam na nito na si Kevin ang gusto mo

Bumuntong-hininga naman siya "Alam mo mas mabuti siguro kung iwan muna kita, magpalamig ka muna ng ulo, okay?"

Hindi ako umimik

Narinig ko siyang napatawa ng tahimik kaya napatingin ako sa kanya

Ginulo niya ang buhok ko "Tinotopak ka na namang Earthling ka, hays ang komplikado talaga ng mga tao kaloka" sabi niya bago tumayo at umalis

Napasimangot lang ako lalo

******

Sumapit ang gabi at kumain na kami ng hapunan at pagkatapos daw ng hapunan ay kailangan daw naming maghanda ng team pango para sa parusang ipapataw saamin

Conspire [COMPLETED]Where stories live. Discover now