Di Na Muli

1K 48 2
                                    

"Nung araw Kay tamis ng ating buhay. Puno ng saya at ng kulay, di mauulit muli"

-Janine Teñoso (Di Na Muli)










Tagapagsalaysay's POV


"Oh Empoy! Ikaw na!" Sabi ni Alex

"I choose truth guyz" sabi ni Empoy

"Oh sino ang magtatanong?"

Nabigla naman ang lahat ng tumayo si Karrie

"Akooow! Ako ang magtatanooong!" Sabi niya

Tumahimik ang lahat at napatingin sa kanya

Alalang-alala naman si Vicey nang mapansin na lasing na lasing na si Karrie

"Oh ba---et ganyaaan ang mga mukha niyo?! Bawal na bang magtanong?! Hah! Kung sinong magsasabing bawal, u---pakan ko!" Maangas niyang sabu

"Bruh, lasing ka na" sabi ni Ferdy

"Tsk! Di akooo lasheng! Magtatanong pa ako!" Sabi ni Karrie. Binaling naman niya Kay Empoy ang tingin niya "Hoy ikaw!"

"Y-Yes po, kabayan!" Sagot ni Empoy

"Parang nakitaaa na kita noon, pumunta ka baaa sa nebula café dati?!"

"Ah opo! Nung Valentine's day! Kasama si Alex yieeee"

Inasar-asar naman nila si Alex at Empoy

Napatango naman Karrie "Ahh ganooon ba! Shige eto ang tanong ko!"

"Hindi pa ba yun yung tanong mo?"

"Tahimeeeeek! Sumagot ka nalang!" Huminga siya ng malalim bago sabihin ang tanong niya "Ano bang gagawin mo sa taong manhid?!"

Mas lalo namang napatahimik ang lahat----lalo na si Vicey

Hindi niya alam na may pinagdadaanan pala ang kanyang kaibigan, akala niya ay nagpakalasing ito nang dahil sa pagkakatalo nila kanina

Bigla namang namuo ang luha sa mga mata ni Karrie

"B-Ba't ba di niyo masagot?!" Naiiyak niyang tanong "Sige! Ako nalang ang sasagot"

"Karrie..." Pagpigil ni Ferdy

Di naman siya pinansin ni Karrie

Bigla nalang tumulo ang luha niya "Ako, alam niyo kung Anong gagawin ko? Hahampasin ko siya ng isang bloke ng makapal na kahoy na may nakaukit na 'Mahal Kita'! Yun na lang siguro yung tanging paraan para nalaman niya diba?! D-Diba?!"

Napaisip naman si Vicey

"May Mahal na siya?" Isip niya

Tuloy-tuloy na ang pag-luha ni Karrie kaya tumayo si Ferdy at inalalayan siya

"Ihahatid ko na siya sa tent niya" sabi ni Ferdy at umalis na sila

Nagtaka parin si Vicey dahil kahit kailan hindi niya narinig Kay Karrie na may tao na pala siyang nagugustuhan

Napatigil naman si Vicey at naguguluhan parin talaga. Wala kasi siyang ni isang clue kung sino ang lalaking(?) Nagugustuhan ni Karrie

"Impossibleng si Starboy yun kasi di pa naman niya ito nakikilala? At isa pa manhid raw...impossible din namang si Ferdy eh kasi halatang gusto siya ni Ferdy so hindi manhid si Ferdy" pag-iisip ni Vice

Conspire [COMPLETED]Where stories live. Discover now