The Divulgence

1K 66 14
                                    

Tagapagsalaysay's POV

"...Okay meeting dismissed"

Nag-sitayuan lahat ng board members ng Zek Beans Co. at kinamayan si Vice na kakapresent lang ng bagong business strategy

"Hindi nga nagkamali si Ms. Karing Santillan sa pagpili sayo, Mr. Vice" sabi naman ng isang matandang lalaki habang kinakamayan si Vicey

"Thank you for the compliment, Sir" malungod na pagpapasalamat naman niya

Ngumiti ang matandang lalaki at umalis na ng board room

"Well, you deserved all their compliments" sabi ng isang babaeng naka pink na dress

Napangiti si Vice "Thank you....Jackie"

"So do you have any plans this Christmas Eve?" Tanong ni Jackie

"Yes, as a matter of fact, I do" sabi Vice sabay tingin sa relo niya

It's 8:57 pm

"I need to go now" paalam niya

Aalis na sana siya ng board room nang bigla siyang hawakan ni Jackie sa kamay upang pigilan siya

"Wait" sabi niya

Napatingin naman sa kanya si Vice "M-May problema ba?"

"Kakapalan ko na ang mukha ko, Vice ah? Pwedeng....samahan mo muna ako saglit?"

Kumunot ang noo ni Vice "Saan?"

"Sa park"

"Sa park?"

Tumango naman si Jackie "Oo, may hihintayin lang ako doon. Natatakot kasi ako baka may mandurukot or mang-hold up saakin doon or worst. Babae pa naman ako" pagpapakonsensya niya

Pilit na ngumiti si Vice "Sige sasamahan kita"

"Talaga? That's great!" Sabi ni Jackie sabay angkla sa braso ng baklang alien

******

Pagdating nila sa Park ay naupo sila sa isang bench doon

"Thank you, Vice ah?" Sabi naman ni Jackie

"Hmm? Saan?" Tanong naman ni Vice

"Sa pagsama saakin"

"Kung alam mo lang, para lang 'to sa Misyon ko" isip ni Vice

"Anyway, can we watch the program over there? Mukhang ang saya kasi nila eh" sabi naman ni Jackie sabay turo ng pwesto banda sa may stage

May nagaganap kasing Christmas Party sa stage na iyon sa Park at kasalukuyang may nagaganap na games

Vice looked hesistant as he looks at his watch

9:30 pm

"Maaga pa naman eh, pagbigyan ko na nga ang isang 'to" isip niya

Napabuntong-hininga siya

"Sige" sabi ni Vice

Tumungo naman sila sa may stage at masayang pinanood ang kasiyahang nagaganap dito

*******

Maya-maya ay patuloy paring nanonood si Jackie sa mga kaganapan sa stage at natatawa pa dahil may pa-comical skit silang ginagawa ngayon habang si Vice ay nagsisimula nang kabahan

Conspire [COMPLETED]Where stories live. Discover now