Starboy

1K 77 22
                                    

"Ang daling sabihin na ayaw mo na pero pinag-isipan mo ba?"

-This Band (Kahit Ayaw Mo Na)






















"Ikaw si------"

"Starboy" sagot ni Six

Nagpantig ang tenga ko sa aking narinig. Hindi ko na alam ang magiging reaksyon ko. Gulong-gulo na ako sa mga nangyayari. Para akong mahihilo.

Si Six si Starboy?

Si Six ang kakababata na matagal ko nang hinahanap?

Hindi ko alam pero ba't hindi ako masaya sa nalaman ko? Ba't Mas nangingibabaw ang aking pagka-dismaya?

Am I expecting someone else?

Hindi ko na alam. I thought ang pakikipagkita ko kay Six ay magbibigay liwanag sa magulo kong sitwasyon. Ang makakasagot sa napakarami kong tanong pero ba't ganon?

Ba't mas dumami pa ang mga tanong sa isip ko?

Sa sobrang dami ay hindi ko na alam pa kung alin ang itatanong ko. I was left dumbfounded.

"I now it's hard to process but it's the truth. Patawad at hindi ko agad nasabi sayo kung sino ako dahil sa totoo lang, hindi ito ang paraang inaasahan ko sa pagsasabi sayo ng totoo kong pagkatao pero eto na nga, nasabi ko na. Ako nga si Starboy, Karrie" sabi ni Six

Hindi ko alam pero ang bigat ng pakiramdam ko. Hindi na nagpo-proseso pa sa isip ko ang mga sinasabi ni Six

"I came here to Earth not because this was supposed to be my mission. I came here because of you. Natakot ako sa kung anong pwedeng gawin sayo ni Vice" he held my hand "Siya ang totoong masama dito, Karrie. He tricked you and just used you because of that damn mission. Pinagmukha niya pa akong masama sa paningin mo para di ko masabi kung anong klaseng nilalang ba talaga siya. He is just trying to brainwash you"

"Enough" mariin kong sabi sabay bawi ng mga kamay ko mula sa pagkakahawak niya

Hindi ko na kaya pang pakinggan ang mga sinasabi ni Six

"I-I need to go" sabi ko sabay tayo

Inalalayan naman ako ni Six

"Kaya ko ang sarili ko" pag awat ko sa kanya

"Sigurado ka?"

Tumango ako

"Alright, if that's what you like. I know you're just having a hard time to process everything right now pero tawagan mo'ko if okay ka na at kapag gusto mong sagutin ko ang mga panibagong katanungan sa isip mo" he said

Tumango lang ako

Wala na akong enerhiya upang magsalita pa

Dahan-dahan akong lumabas ng restaurant na iyon at naglakad

Hindi ko alam kung saan ako tutungo

Tulala. Balisa.

Hindi ko na alam pa kung ano ang nangyayari sa paligid ko

Napapikit ako at kusa nalang tumulo ang luhang kanina pa bumubuo kasabay ng unti-unting pagpatak ng ambon na kalauna'y naging Malakas na ulan

Patuloy ko paring tinatahak ang daan patungo sa kung saan

Hindi ko na mawari pa ang susunod na nangyari dahil bigla nalang nagdilim ang paningin ko at nawalan ako ng Malay




*******

Conspire [COMPLETED]Where stories live. Discover now