Your Universe

1.3K 67 4
                                    

"You can thank your stars all you want but. I'll always be the lucky one"

-Dane Hipolito and Clara Benin Cover (Your Universe)





















Tagapagsalaysay's POV

"....Kasi wala namang tayo!"

Tila nagpantig ang tenga ni Vice nang sabihin ni Karrie ang katagang iyon

Hindi niya alam kung anong mararamdaman niya. He just find himself watching Karrie go kasama ni Six

Nasasaktan, nalulungkot, nagseselos, naguguluhan. Halo-halo ang emosyon na nararamdaman niya

"Ayos lang yan, Meme"

Nagulat naman siya sa biglaang pagsulpot ni Buern

"B-Buern!" Gulat niyang bulalas

"Ang gulo talaga ng mga merlat ano? Kaya nga nag bakla na lang ako eh" sabi naman ni Buern na kanina pa pala nanonood sa mga pangyayari kanina

"A-Anong ginagawa mo dito?" Gulat na tanong ni Vice

"Nagtapon ako ng basura. Tinatamad kasi sina Aaron at Matt eh kainis. Pagkatapos, nakita kong tila nasa teleserye kayo kaya siyempre naki-chismis ako. Grabeh! Naalala ko yung K-drama na pinapanood ko sa-------"

"You mean kanina ka pa? Narinig mo lahat?"

"Aba! Lahat-lahat!"

"S-So alam mo na na--------"

"Na kayo na ni Ma'am Karrie? Aba noon pa nung makita namin na nag chuchorvahan kayo ni Ma'am Karrie under the stars doon sa Coffee Plantation. Hindi lang namin pinahalata Kay Ma'am Karrie na may alam na kami kasi baka mahiya si------"

"T-Teka sandali! 'Namin'?"

"Oo! Kami ng team vice alam na namin! Kaka-uwi kasi namin non galing sa bar at ayun dahil sa kalasingan naka-isip kami ng kalokohan na mag ghost hunting sa plantation pero iba yung nakita namin. Hindi naman ghost pero nakakatakot parin"

"BUEEEERN!!!!" pagsugod ni Vice sa kanya

Tumakbo naman si Buern at naghabulan sila kaso naabutan siya ni Vice at sinabunutan siya ng huli

"Peace na Meme peace! Sorry na kasi! Di naman namin sinasadya eh"

Binitawan naman siya ni Vice

"Humanda kayong team vice saakin mamaya!" Pagbabanta ni Vice

Napasimangot lang si Buern

Napahinga naman ng malalim si Vice

Naalala niya ulit ang nangyari kanina

"Ang gulo din ng Earthling na yun eh" bulong niya sa sarili na hindi naman nakatakas sa pandinig ni Buern

"Ay nako Meme! Ganyan talaga ang mga merlat mahilig sa mga pa-keme!" Sabi ni Buern

Napatingin naman si Vice sa kanya at tila may naisip itong ideya

"B-Buern..." Nag-aalangan na panimula ni Vice

"Hihingi ka ng advice?" Tila manghuhula na sabi ni Buern

Napabuntong-hininga ulit si Vice "Eh kasi naman! Sinabi niya saakin na wala dawng kami at sumama pa siya sa lokong Sixto na yun! So ano? Akala niya nag jo-joke lang ako nung nagtapat ako sa kanya?"

Conspire [COMPLETED]Where stories live. Discover now