Special Chapter: Anne's Vision

1.1K 48 12
                                    


"Tears gonna dry in the sun. Scars will heal on their own. Memories will be tattoos on your soul. Years will give back what they stole."

-Anthony Lazaro (Dry Away)

A/N: Luh? Na-miss ko 'to. HAHAHA




























Sa isang nakakahiwagang lugar, kinakabahan siyang naglalakad.

Hindi niya alam kung nasaan siya, nalilito ngunit patuloy parin siyang naglalakad papunta sa dulo ng walang hanggan.

He was walking through the unknown.

Madilim dito at ang tanging nagpapaliwanag lang ay ang kinang ng ilang bilyong bituin sa kalangitan.

"Maligayang pagdating sa dulo ng Universe, VG14314" sabi ng isang magandang babaeng may maputi at mahabang buhok, kasing-kulay rin ito ng kanyang balat.

"S-Sino ka?" Sagot ni Vice. "At anong ginagawa ko rito?"

Tumayo naman ang babaeng iyon mula sa trono niya at dahan-dahang lumapit kay Vice. Tila lumulutang siya habang naglalakad palapit sa huli at nakakahiwaga rin ang ngiti niya.

"I am the keeper of the Universe. Ako ang inatasan ng Diyos na magbantay rito. I come with many names, but just call me Bella." Sagot nung babae

"Bakit ako nandito?" Pag-uulit ni Vice sa tanong niya.

"Kasi patay ka na. Yung machine nalang ang bumubuhay sayo ngayon and any time now, you will be brain dead."

Nagitla naman si Vice sa narinig niya. At bigla namang pumasok sa alaala niya ang pagkakabaril ni Six sa kanya dahil iniligtas niya si Karrie.

Bigla namang namuo ang luha sa mga mata niya. Ayaw niyang maiwang mag-isa si Karrie pero mas hindi niya kakayanin na ito ang mawala kaya kinailangan niyang isakripisyo ang sarili niya.

"You've violated a rule in the Universe kaya di ka muna mapupunta sa purgatoryo dahil doon." Sabi ni Bella.

Galit namang napatingin si Vice sa kanya "Eto ba? Eto ba iyon? Eto ba ang parusa mo saamin dahil inilabag namin ang batas ng Universe?!"

Hindi naman sumagot si Bella. Sa halip ay tumingala lang siya sa kalangitan.

Napatingala rin naman si Vice at nakita niya ang mga alaala niya kasama si Karrie.

Ngayon ay tuluyan na ngang tumulo ang mga luha niya.

"Ikaw at si Karrie ay itinadhanang magkita." Sabi ni Bella "The Universe did not punish you, it conspired for you to meet and to feel the true meaning of love. I need to say that to you bago ka pumunta sa purgatoryo, that's why you're here."

Napatingin naman si Vice sa kanya "Kung hindi kami pinarusahan at kung itinadhana kami, ba't ganito ang kinahantungan namin?"

"Itinadhana lamang kayong magkita pero hindi kayo itinadhana habang-buhay. At hindi kamatayan ang parusa ng Universe."

Kumunot ang noo ni Vice "Ano?"

"Pag-ibig." sagot ni Bella "Dahil sa pagmamahal ninyo sa isa't-isa, may sakripisyong kapalit at iyon ang hahantong sa kamatayan."

"Bakit pa kami itinadhanang magkita kung hindi naman kami para sa isa't-isa?!"

"Bakit? Pinagsisihan mo bang nakilala mo si Karrie?"

Napatahimik naman si Vice.

Napagtanto niyang dapat nga siyang magpasalamat dahil pinagtagpo sila ni Karrie kahit sa maikling pagkakataon, dahil hinding-hindi niya pinagsisihang nakilala niya ang ito.

Conspire [COMPLETED]Where stories live. Discover now