Yellow

1.4K 68 3
                                    

"Look at the stars. Look how they shine for you, in everything you do. They were all yellow"

-Coldplay (Yellow)











































"Ngayon, dadalhin kita sa Nebula Café at ipapakilala kita sa mga kasama ko doon, okay?" Sabi ko Kay Vicey

Nakahiga naman siya sa sofa "Kailangan ba yun?"

"Oo naman, alangan namang samahan kita dito sa Apartment ko all the time. May trabaho din ako noh. Tsaka ikaw...." binato ko naman sa kanya ang dyaryong hawak ko

Napatayo naman siya sa gulat "Ano ba teh?!"

"....Kailangan mo na ring mag trabaho. Kung andito ka sa Earth at may misyon ka pa kailangan mo ng pera pantustos sa pangangailangan mo. Kapus din ako kaya pagtrabahuan mo ang perang gagamitin mo"

Naguluhan naman siya "What do you mean?"

Bumuntong-hininga ako "Maghanap ka ng trabaho, hihingi ako ng tulong Kay Ferdy para maihanap ka niya ng trabaho"

"Sino naman si Ferdy?"

"Basta, makikilala mo rin siya mamaya. Tsaka...." Inabot ko naman ang paperbag na hawak ko sa kanya "Nabili ko yan kanina sa mini mart sa baba, yan ang suotin mong damit"

Kinuha naman niya ito

Binuksan niya ang paperbag at nilabas ang T-shirt na may alien print at itim na pantalon na binili ko

"Gosh what is this" sabi niya

"O? Wag ka na mag reklamo. Pag may pera ka na bumili ka ayon sa fashion sense mo, ngayon habang wala pa, mag-tiis ka sa damit na kasya sa budget ko"

Napasimangot nalang siya

"Sige na magbihis ka na" sabi ko

Tatalikod na sana ako nang tawagin niya ako

"Teka lang!" Sabi niya

"O bakit?"

"Peram ng make up, wag ka mag alala pag may pera na ako bibili ako nang sarili ko noh!" Mataray niyang sabi

Napangiti nalang ako sa tinuran niya

Bakla talaga






























******

"Welcome to Nebula Café!" Sabi ko nang makarating na kami sa Nebula Café

Napatingin naman ako Kay Vicey na smuged na ang make up at humuhulas narin ang shocking pink lipstick

Nag jeep kasi kami eh at base sa kinilos niya kanina masasabi Kong walang jeep sa Planeta nila

Siguro mga Flying cars na ang nandoon

"Bakit?!" Mataray niyang tanong saakin

Natatawa na kasi ako sa hitsura niya eh

"Kaloka tong planeta niyo! Napaka-inconvinient!" Komento niya

"Masanay ka na!" Sabi ko

Inirapan niya lang ako at binaling ang tingin sa karatula ng Nebula Café

Conspire [COMPLETED]Where stories live. Discover now