Chapter 3 (The Nice-Arse Woman)

2.3K 68 29
                                    



Matapos lumabas sa silid ng ama ay kaagad na tinawagan ni Xander ang kaibigan at kababatang si Mikey upang yayain itong lumabas.

Kailangan muna niyang umalis sa mansion at iwasan ang ama. Alam niyang kapag nag-umpisa na itong humirit sa mga hiling nito ay hindi na titigil hanggang sa pagbigyan niya. So, he needed to get out of the mansion fast, bago pa siya nito makumbinsing sundin ang lahat ng gusto nito.

Sobra ang pag-aalala niya noong araw na dumating siya sa mansion at salubungin siya ng katulong upang ipaalam na ini-sugod ang ama sa ospital. Iyon ang unang pagkakataong inatake ito at totoong natakot siya. Nang masigurong nasa maayos na itong kalagayan ay saka lang siya nakahinga nang maluwag. Pinayuhan siya ng doctor na siguraduhing laging may kasama ang kaniyang ama dahil hindi iyon ang magiging huling atake nito. His father's heart condition wasn't stable, there was a big chance of another attack and it could be fatal.

His father was his only family at mahalaga sa kaniya ang kaligtasan nito. Simula nang mamatay ang kaniyang ina labing dalawang taon na ang nakararaan ay sila na lamang ng papa niya ang natirang magkasama. Totoong hindi siya madalas na umuwi sa La Esperanza, subalit madalas siyang tumawag upang kumustahin ang lagay nito.

He loved motocross, and it had been his source of happiness since he started doing it. Subalit nang hilingin sa kaniya ng ama kanina na tigilan na iyon ay sandali lang siyang nag-isip at pinagbigyan din ito. Sa kalagayan ngayon ng papa niya ay handa siyang ibigay lahat ng hilingin nito huwag lang itong magtampo. He didn't want to break his father's now unstable heart, so he was willing to do everything within his power to make him happy.

Pero ang pag-aasawa? Hindi pa niya alam. Sa katunayan ay hindi pa niya naiisip iyon. Sa palagay niya ay hindi siya ang tipo ng lalaking kayang magtagal sa isang pagsasama. He got tired of women so easily; may isang mali lang siyang makita sa mga ito ay kaagad na niyang sinusukuan at hinihiwalayan. His women would cry and beg for him not to leave, but there wasn't anything they could do to stop him. Once he's done, he's done for good.

Napa-buntonghininga siya sa itinatakbo ng isip. Hiling niya'y kalimutan na muna ng ama ang pagpipilit sa kaniyang mag-asawa na at ituon na lang nito ang buong pansin sa pagpapagaling.

Ilang sandali pa'y unti-unti niyang binagalan ang sasakyan hanggang sa ihinto niya iyon sa harap ng isang resto-bar sa bayan.

Poison Pub.

Iyon ang pangalan ng gusaling nakatayo sa harapan niya. Iyon ang lugar na ini-suhestiyon ni Mikey kung saan sila magkikita. Isang palapag lang iyon subalit mataas ang ceiling at mukhang gawa sa mga mamahaling materyales ang kabuoan. He could easily tell; he's an engineer by profession.

Bumaba siya ng sasakyan at tinungo ang two-way door ng pub kung saan may nakatayong dalawang lalaking naka-suot ng itim na T-shirt at slacks. Ang suot ng mga itong running shoes ay pareho ring itim ang kulay.

He stopped at the entrance door and let them check his pockets. He nodded at the guys and entered the pub when they cleared him out.

The place looked safe and decent inside and out. Sa tingin niya ay bago pa lang ang bar na iyon dahil noong huling umuwi siya ay hindi pa iyon nakatayo roon. When was the last time he came home, anyway? Ganoon na ba ka-tagal?

Itinuloy niya ang pagpasok, at nang matanaw si Mikey na nakaupo sa bar counter ay doon siya dumiretso.

Mikey was his closest friend at madalas sila nitong magkita sa Maynila dahil naroon ang negosyo nito, pero sa La Esperanza pa rin ito nakatira kasama ang asawa't anak.

THE LUCKIEST DREAMERWhere stories live. Discover now