Chapter 29 | The Confirmation She Needed

257 3 1
                                    


BELOW IS JUST AN EXCERPT FROM THE STORY.

YOU CAN READ THE WHOLE CHAPTER ON WWW.NOBELISTA.COM

PLEASE NOTE:

THE LUCKIEST DREAMER is purchasable per chapter under NOBELISTA. You can read it for only 18 coins per chapter. Please message Nobelista Facebook page should you have questions. Thank you.


___________________________


"Diyos ko iyang asawa mo, Via," usal ni Lena na naka-silip din mula sa kaniyang likuran. "Lumalagablab ang bawat mga hakbang. Ganiyan din ba ka-init iyan kapag nasa kam—"

Siniko niya ang kaibigan upang manahimik. Lumipat siya nang pwesto habang pinanatili pa rin ang mga tingin kay Xander na malapit nang marating ang two-way door ng hotel. Papalabas na ang mga ito nang biglang bumukas ang pinto ng hotel at iniluwa ang isang magandang babae at patakbong sumalubong sa kaniyang asawa. At nang makita niya ang mahigpit nitong pagyakap kay Xander ay nanlaki ang kaniyang mga mata— lalo noong gumanti ng yakap ang magaling niyang asawa.

"Ahhh, shit," usal ni Lena sa kaniyang likuran.

Wala sa sariling napahawak siya sa dibdib. No, wait. Wala naman silang ginawa malibang—

Nahinto siya sa pag-iisip nang makitang kumunyapit ang babae sa braso ni Xander at sabay ang mga itong lumabas sa malaking entrance door ng hotel. Bago pa man siya makapag-isip ay mabilis siyang humakbang patungo sa entrance door. Kung hindi siya nag-aalala sa kundisyon niya ay baka tinakbo na niya ang patungo roon. 


__________________________

Full chapter is available on www.nobelista.com

THE LUCKIEST DREAMERTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon