Chapter 11 | Something's Starting To Change

1.4K 25 3
                                    



BELOW IS JUST AN EXCERPT FROM THE STORY.

YOU CAN READ THE WHOLE CHAPTER ON WWW.NOBELISTA.COM

PLEASE NOTE:

THE LUCKIEST DREAMER is purchasable per chapter under NOBELISTA. You can read it for only 18 coins per chapter. Please message Nobelista Facebook page should you have questions. Thank you.

___________________________


Matagal niyang pinaglakbay ang mga mata sa hubad na likod ni Xander, sa mga matitipuno nitong braso na naka-angat sa uluhan, at saka niya ibinaba ang tingin sa maumbok nitong pang-upo...

Ang umbok naman niyan, sweetie pie. Pa-tampal naman ng very light... Napabungisngis siya sa naisip. Natutuwa siya dahil malaya niya itong nasisilipan.

Hindi niya namalayan kung gaano siya katagal na nakatunghay mula sa pinto hanggang sa uminat si Xander at dahan-dahang tumihaya. Parang slow motion iyon sa paningin niya, pigil hininga niyang hinintay ang pagharap nito hanggang sa tumambad sa kaniyang paningin ang matitipuno nitong dibdib. Ang kumot na nakatakip sa ibabang bahagi ng katawan nito ay dumausdos ng kaunti at doon ay napalunok siya. Hinagod niya ng tingin ang tila obra-maestrang nasa harapan niya, mula sa pinong balahibong naglalandas mula sa matitipuno nitong dibdib pababa sa tiyan hanggang sa bahaging iyon. Muli siyang napalunok nang mapagmasdan ang matayog na bagay na natatakpan ng kumot. Malaki at matayog na ikinatayo ng mga balahibo niya. Naririnig niya ang pintig ng puso niya, at doo'y sunud-sunod siyang napalunok. Hindi pa siya nag-aalmusal pero nabubusog na siya sa nakikita.

"Are you enjoying it?"

Napasinghap siya nang marinig ang paos nitong tinig. Hindi niya namalayang nagising na ito at diretsong nakatitig sa kaniya na may nakakalokong ngiti sa mga labi. Sa kabila ng ngisi nito ay mababakas sa mukha ni Xander ang pagod at antok.

"A—Ano?" Napakurap siya.

"Are you enjoying the view?"

Napasinghap siyang muli nang maintindihan ang tanong nito. Namumula ang pisnging umiwas siya ng tingin. "Loko ka, hindi 'no! Itago mo nga iyang poste ng Meralco na 'yan, nakakatakot!"


__________________________

Full chapter is available on www.nobelista.com

THE LUCKIEST DREAMERWhere stories live. Discover now