Chapter 30 | Stressed

268 2 1
                                    




BELOW IS JUST AN EXCERPT FROM THE STORY.

YOU CAN READ THE WHOLE CHAPTER ON WWW.NOBELISTA.COM

PLEASE NOTE:

THE LUCKIEST DREAMER is purchasable per chapter under NOBELISTA. You can read it for only 18 coins per chapter. Please message Nobelista Facebook page should you have questions. Thank you.


___________________________


"Kaa-alis lang ni Doktora Almerez, Ate. Sinuri ka niya at sinabi kay Yaya Selma ang resulta. Inihatid lang sandali ni Yaya Selma si Doktora sa baba," paliwanang ni Blue. "Ano ba talaga ang nangyayari sa'yo, Ate? Alam ba ni Kuya Xander na may sakit kayo?"

    Ibinuka niya ang bibig upang sagutin ang tanong ni Blue nang biglang lumusot si Yaya Selma mula sa pinto. Lumapit ito at nakangiting hinawakan siya sa braso. "H'wag kang mag-alala, naka-usap ko si Dok at nagsabing maayos ang lagay mo, kulang ka lang daw sa pahinga at pagkain, dahilan upang mawalan ka ng malay kanina. Ayon din sa kaniya, ang nangyari sa iyo ay parte lang ng unang trimester mo. Ngayon lang nagsilabasan ang mga sintomas, at inatake ka nang sunud-sunod. Apat na linggo mo pa raw itong mararanasan, kaya kailangan ay magpalakas ka, Via. Bawal din daw sa iyo ang nagpupuyat, at hindi ka pwedeng ma-stress."

    Diyos ko po... Wala sa loob na napahawak siya sa tiyan. Nang dahil sa mga iniisip at pag-iyak sa gabi ay naapektuhan ang pagbubuntis niya. Kailangan nga yata niya sigurong huminahon at iwasan ang sobrang pag-iisip.

    Si Grey ay kinunutan ng noo sa narinig. "Unang trimester?"

    "Ibig sabihin—" Natigilan si Blue at napatingin sa tiyan niya.

    Nagpakawala siya ng bahaw na ngiti sa mga kapatid. "H'wag kayong mag-alala sa akin, wala akong sakit. Nag-i-inarte lang itong baby na nasa tiyan ko kaya ganito ang nangyayari sa akin."


__________________________

Full chapter is available on www.nobelista.com

THE LUCKIEST DREAMERWhere stories live. Discover now