Chapter 14 | Failed Flirtation

2K 44 26
                                    



BELOW IS JUST AN EXCERPT FROM THE STORY.

YOU CAN READ THE WHOLE CHAPTER ON WWW.NOBELISTA.COM

PLEASE NOTE:

THE LUCKIEST DREAMER is purchasable per chapter under NOBELISTA. You can read it for only 18 coins per chapter. Please message Nobelista Facebook page should you have questions. Thank you.


___________________________


"Where have you been?"

Napa-igtad siya nang marinig ang boses ng asawa sa kaniyang likuran. Nilingon niya ito at matamis na nginitian. "Hi, hubby. I've been looking for you," aniya sabay kunyapit sa kaliwang braso nito.

Kumunot ang noo ni Xander sa ginawa niya. Nagtatakang sinulyapan nito ang mga kamay niyang naka-kunyapit dito saka muling nagtanong. "I was just talking to my friends. Ano'ng nangyayari sa'yo?"

Inihilig nya ang ulo sa balikat nito at disimuladong idinikit ang katawan sa asawa. "Ang bango mo naman, hubby. Pwede mo ba akong isayaw?"

Lalong nagsalubong ang mga kilay ni Xander. "I don't dance."

Lumabi siya. "Ayaw mo lang yata akong isayaw eh.."

"You're right, too, so don't force me."

Muli siyang napalabi. Hindi niya maintindihan ang sarili kung bakit mas lalo siyang na-a-attract sa asawa sa kabila ng pagiging antipatiko nito.

Si Xander ay hinila siya patungo sa sulok ng venue hall kung saan wala masyadong tao at natatakpan ng mga malalaking indoor plants. Marahas siya nitong itinulak sa pader.

Nanlaki ang mga mata niya nang bumaba ang mukha ni Xander palapit sa kaniya. Hahalikan ba niya ako? Akma siyang pipikit para namnamin ang susunod na mangyayari nang lumampas ang mukha nito sa mukha niya at dumiretso pa pababa, doon sa leeg niya. Kung gaano kabilis ang pagbaba ng mukha nito ay ganoon din kabilis ang pag-angat niyon.

Nakakunot parin ang noo nito nang muling magsalita. "Amoy alak ka. Lasing ka ba?"


__________________________

Full chapter is available on www.nobelista.com

THE LUCKIEST DREAMERWhere stories live. Discover now