Chapter 24 | Intuition

330 1 0
                                    


BELOW IS JUST AN EXCERPT FROM THE STORY.

YOU CAN READ THE WHOLE CHAPTER ON WWW.NOBELISTA.COM

PLEASE NOTE:

THE LUCKIEST DREAMER is purchasable per chapter under NOBELISTA. You can read it for only 18 coins per chapter. Please message Nobelista Facebook page should you have questions. Thank you.


___________________________


It has been two days since Xander left for the annual meeting and to visit the site in Baguio. Subalit sa nakalipas na mga araw na iyon ay wala pa rin siyang natatanggap na tawag mula rito maliban noong gabing natapos ang meeting nito at nagsabing kauuwi lang sa condo. And that was it. Sa mga oras na iyon ay alam niyang nasa Baguio na ang asawa— at wala itong paramdam dahil sigurado siyang kasama na nito roon si Katie.

"Kahit hindi mo sabihin ay alam ko kung ano ang tumatakbo ngayon sa isip mo," Lena stated before puffing up the cigarette smoke. "Takot kang malaman ang totoo kaya hindi mo siya matanung-tanong. Tsk." Napa-iling ito. "Hanggang kailan mo pahihirapan sarili mo?"

Bumuntong-hininga siya. "Malakas ang kutob kong magkasama na sila ngayon ng Katie na iyon sa Baguio..."

"Kutob mo? Oo, tama, kutob lang." Lena stubbed out her cigarette in the ashtray, inubos muna ang alak na nasa baso nito bago iyon inilapag sa mesa at nagpatuloy sa sinasabi. "H'wag mong ipagkakamali ang kutob sa katotohanan. Women's intuition is nothing but an opinion based on overthinking, and it's wrong more often than not. Kaya h'wag kang padadala riyan sa sinasabi ng kutob mo. Mas maiging itanong mo nang diretso kay Xander ang mga katanungan mo sa isip at hingin ang katotohanan mula sa kaniya. Sabihin mong malapit ka nang masiraan ng bait dahil diyan sa mga kutob mo."


__________________________

Full chapter is available on www.nobelista.com

THE LUCKIEST DREAMERWhere stories live. Discover now