Chapter 32 | Hurt And Broken

402 3 0
                                    






BELOW IS JUST AN EXCERPT FROM THE STORY.

YOU CAN READ THE WHOLE CHAPTER ON WWW.NOBELISTA.COM

PLEASE NOTE:

THE LUCKIEST DREAMER is purchasable per chapter under NOBELISTA. You can read it for only 18 coins per chapter. Please message Nobelista Facebook page should you have questions. Thank you.


___________________________


"Via, hinahanap ka ng asawa mo. Sasagutin mo ba ang tawag?"

    Nalipat ang tingin ng mga kapatid niya sa kaniya— naghihintay ng pasya.

    Bumuntong-hininga siya at umayos ng upo saka tumango. "Akin na po, Yaya."

    Lumapit ang matanda at inabot sa kaniya ang telepono. Sinagot niya ang tawag habang naroon at nakatunghay sa kaniya ang mga kapatid at si Yaya Selma.

    Naka-ilang tikhim muna siya at hugot ng malalim na hininga bago sumagot. "Hello?"

    "Via, I have been calling you since this morning. What's going on?"

    Napakagat-labi siya. Nahihimigan niya ang sobrang pag-aalala sa tinig ni Xander subalit naisip niyang nagpapantasya lang siya. Sa wari niya'y nagagalit ito sa tagal nang hindi niya pagsagot.

    "Hindi ko hawak ang cellphone ko," pagsisinungaling niya na ikina-kunot muli ng noo nina Blue at Gray.

    "What? Why, where is your phone again?"

    "Hindi ko alam."

    "Ano?"

    Nahihimigan niya ang pagka-irita sa boses ni Xander at nagagalit siya. Ito pa ang may ganang magalit!

    "Ano ba'ng kailangan mo?"


__________________________

Full chapter is available on www.nobelista.com

THE LUCKIEST DREAMERTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon