Chapter 16 | Simply Jealous

684 6 0
                                    





BELOW IS JUST AN EXCERPT FROM THE STORY.

YOU CAN READ THE WHOLE CHAPTER ON WWW.NOBELISTA.COM

PLEASE NOTE:

THE LUCKIEST DREAMER is purchasable per chapter under NOBELISTA. You can read it for only 18 coins per chapter. Please message Nobelista Facebook page should you have questions. Thank you.

___________________________

"Gusto kong humingi ng pasensya sa ginawa ko. Napagtanto kong tama ka at may mali ako. Hindi ko man lang binigyan ng konsiderasyon ang iisipin ng mga taong nakakita sa ginawa ko at ang magiging epekto no'n sa inyo ni Don Armando. Pinag-alala ko pa sina Blue at Grey. Pasensya ka na, Xander."

    Huminga siya ng malalim. Hindi niya inasahang hinintay siya nitong bumalik sa silid para lang humingi ng pasensya. Hindi niya inakalang madali itong makaintindi at umaming mali. He thought she was stubborn.

    "I'm sorry I yelled at you, too. I was just—" he stopped. Anong sasabihin niya? Would he tell her he was furious and jealous of that guy back at the pub?

    Si Via ay paluhod na naupo sa kama paharap sa kaniya. "Pinapangako kong hindi na mauulit ang nangyaring iyon, kaya sana ay huwag ka nang magalit. Ayaw kong may pag-awayan tayo."

    She was looking so majestic at that very moment he couldn't hear anything she says anymore. Nakabagsak sa mga balikat nito ang mahabang buhok, ang isang strap ng suot nito'y nakalaylay na marahil ay hindi na nito napapansin, and those long and beautiful legs were teasing him. She looked so innocently sexy, and damn, he wanted her so badly.

     Kaya hindi na niya napigilan pa ang sarili.

    Sa malalaking mga hakbang ay lumapit siya sa kinaroroonan ng asawa at saka ito kinabig. And before she could even react, he caught her lips and gave her a shattering kiss.


__________________________

Full chapter is available on www.nobelista.com

THE LUCKIEST DREAMERTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon