Chapter 5 | The Deal

2.2K 35 8
                                    



BELOW IS JUST AN EXCERPT FROM THE STORY.

YOU CAN READ THE WHOLE CHAPTER ON WWW.NOBELISTA.COM

PLEASE NOTE:

THE LUCKIEST DREAMER is purchasable per chapter under NOBELISTA. You can read it for only 18 coins per chapter. Please message Nobelista Facebook page should you have questions. Thank you.

___________________________


"What do you think of my son, Via?"

Napakurap siya ng ilang beses nang marinig ang tanong ng Don.

"A—ano po?"

"What do you think of Xander?"

Tumikhim siya. Aba'y napakasarap pong titigan ng inyong anak. Muy simpatiko, matangkad, may magandang pangangatawan at siyempre pa, mayaman. Siya na po yata ang pinaka-perpektong lalaki na maaari lamang pangarapin ng isang katulad ko.

Iyon ang mga nais niyang isagot sa Don. Papaano ba niya sasagutin ng maayos ang tanong nito nang hindi siya nagmumukhang manyakis o illusyunada?

"M—mukha po siyang... mabait." Iyon lang ang lumabas sa kaniyang bibig.

"You don't find him attractive?"

Muli siyang tumikhim. Ibinalik niya ang pansin sa mukha ni Xander na nasa portrait. "P—pogi naman po.." Kunwari ay wala siyang interes pero pakiramdam niya ay gusto niyang maihi sa kilig habang nakatitig sa larawan nito.

Tiningala rin ng Don ang portrait, "My son has been womanizing around since time immemorial. Maliban pa sa mga kalokohan niya sa mga babae ay nakakatakot din ang kinawiwilihan niyang bisyo. That crazy motocross," the old man tsked. "I want him to stop. I want him to settle down, have his own family, live a peaceful and normal life. Pero wala pang interes si Xander na gawin ang lahat ng iyon."

Nanatili siyang walang imik. Saan patungo ang sinasabing iyon ng Don?

"I need your help, Via."

Kunot-noong ibinalik ni Via ang pansin sa matanda.

"I want you to marry my son."


__________________________

Full chapter is available on www.nobelista.com

THE LUCKIEST DREAMERWhere stories live. Discover now