Chapter 7 | Her Determination

1.7K 31 2
                                    


BELOW IS JUST AN EXCERPT FROM THE STORY.

YOU CAN READ THE WHOLE CHAPTER ON WWW.NOBELISTA.COM

PLEASE NOTE:

THE LUCKIEST DREAMER is purchasable per chapter under NOBELISTA. You can read it for only 18 coins per chapter. Please message Nobelista Facebook page should you have questions. Thank you.

___________________________


    "I am Xander Castillano. "

    Napa-lunok siya saka tumango. 

    "And you are...?"

    "V—Vi—Olivia Santimeda."

    Ito naman ngayon ang tumango. Muli siya nitong hinagod ng tingin na tila isa siyang kakaibang bagay na kailangan ng malalim na pagsusuri. Bigla siyang nailang, sigurado siyang pulang-pula na ang mga pisngi niya sa pagkapahiya. Sana man lang pala ay nagsuklay muna siya bago humarap sa bisita— bakit nga ba kasi kaagad siyang humarurot palabas ng kusina?

    Naiinis na humugot ng malalim na paghinga si Xander. Kunot-noong ibinalik nito ang mga mata sa mukha niya, "How old are you?"

    "Twenty-one..." halos pabulong niyang sagot. She was intimidated by his voice.

    "Kapatid mo ang kambal?"

    Tumango siya. Ramdam na niya ang pagpapawis ng kaniyang mga palad sa sobrang kaba.

    "Kids? Do you have kids?"

    Napasinghap siya kasabay ng pamimilog ng mga mata. At ano ang ibig sabihin ng tanong na iyon?! "W—wala 'no!"

    "Looks like you have one. Kung ang pagbabasehan ay iyang suot at itsura mo." Walang halong panunuya sa tinig nito, bagkus ay naroon ang pagtataka. Akma siyang sasagot sa sinabi nito nang muli itong magsalita, "I'm sure you're wondering why I'm here." Humalukipkip ito. "I only came to personally meet you."

    Muli ay napalunok siya. Naisip niyang nasabi na marahil ni Don Armando ang tungkol sa pagpapakasal, kaya naroon ngayon sa pamamahay nila si Alessandro.

    "I wanted to see why my father chose you to be my wife. And just looking at you now... lalo akong nagtataka kung bakit."


__________________________

Full chapter is available on www.nobelista.com

THE LUCKIEST DREAMERTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon