Prologue

14.1K 264 4
                                    

Mariin kong hinampas ang mesa ni Sammy. Nagulat siya nang una subalit napalitan yun ng pagkainis.

"What's your damn problem with it, Laverne?" tanong niya sakin. Hindi ko siya sinagot at mas lalo pang tiningnan siya nang matalim.

Sobrang inis ang nararamdaman ko dahil sa pesteng mission na nakatoka sa'kin. 

Matagal lang kaming nagtinginan at naririnig lang namin ang pagsinghap ng mga tao sa loob ng conference room. 

"Don't tell me, ayaw mong tanggapin ang mission?! Okay then, ibibigay ko nal---"

"Sinabi ko bang hindi ko tatanggapin ang mission na yan?!" gigil kong pagputol sa sinasabi niya. 

"Then, what's with that expression?" malumanay na niyang tanong sakin.

"For heaven's sake, Sammy Carson! I'm a damn assassin, not a detective. At isa pa, bakit ko pa kailangang maging girlfriend ng isang Mafia Boss para imbestigahan ang Vaughn Mafia kung pwede ko namang agad silang patayin kung gusto niyo!" sagot ko sa kanya na ikinakunot lang ng noo niya.

"Kaya nga hindi magiging madali ang lahat ng ito. Yan ang hirap sayo,Laverne. Oo, ikaw ang pangalawang nasa ranggo ng mga pinakamalalakas na Assassin pero alam mo ang kulang sayo? Wala kang tamang plano. Basta ang nasa isip mo lang ay agad pumatay ng pumatay." galit niyang sagot sakin.

Napasalampak ako sa swivel chair at inis na ininom ang gatas na nasa baso ko. Ngayon ko lang napansin na kami lang ni Sammy ang nag iingay ngayon samantalang nakatingin lang samin ang ibang taong nandito sa Agency.

"I'm still the Boss here,Laverne. You need to atleast listen first and do what is according to the plan. Hindi madaling kalaban ang Vaughn Mafia. Malakas ang impluwensiya nila ngayon sa Underground Society. At isa pa, ikaw lang din ang inaasahang makakagawa ng misyong ito", seryosong sabi ni Sammy na ngayon ay nakaupo na rin.

"Huh? What do you mean na ako lang ang makakagawa nito? I guess mas fit sa misyong yan si Nightmare Bitch. Alam kong napakadali lang sa kanya ang bagay na yan", bored kong sagot habang nakapangalumbaba.

Speaking of Nightmare bitch, nasaan na ba ang babaeng yun? Ang tagal namang bakasyon ang ginagawa niya sa Europe! Hindi ba niya alam na ako ang laging sumasalo sa mga mission na dapat sa kanya? Sa oras na makauwi lang talaga yun, paniguradong kakalbuhin ko siya nang todo! 

"She just rejected that mission. Mas bagay daw sayo yan" 

WHAAAT!??

"Si Nightmare ang nagsabi niyan?!" gulat kong tanong na lalong ikinainis ko lang.

" Hindi ko kayo maintindihang dalawa. Magkaibigan nga talaga kayo", may pagtawa pang sabi ni Sammy.

Bwisit talaga kahit kailan ang babaeng yun. Parang sa sitwasyon namin ay ako pa ang nagmukhang mas matanda! Childish lagi ang drama ng gaga! 

"Hindi ba isang karangalan na sayo ipinagkatiwala ng Top-ranking assassin in the whole world ang mission na dapat ay sa kanya?" sarcastic na sabi ni Sammy na ikinangiwi ko lang.

"So what kung siya ang Top-ranking assassin huh? Lisensiya niya ba yun para tanggapin ko agad agad ang dapat sa kanya? I'm not insecure kung anong meron ang bestfriend ko. Kontento na ko na palaging ako ang taga suporta sa likod niya. Pero this time, hindi ko alam kung sinagad ako ng babaitang yun para ibigay ang mission na to sakin!" sabi ko na nagwawala.

"Just accept it or reject it..." seryosong sabi niya sa akin.

"Para sa ikatatahimik ng kaluluwa mo, I'll accept the mission",seryoso ko ring sagot at ngumiti sakin ang mga tao dito at ang iba naman ay napabuntong hininga dahil tinanggap ko na rin ang mission na yun.

"Alright, 2 days from now na ang start ng mission na yun", he said and they all leave me with my jaw dropped.

What the fuck? 2 days?! Seriously? DAMN IT!! 

--------------------------------------------------------

Will it be a Mission Accomplished or Mission Failed? 

Note: This is an edited version of this story. Completed na po talaga ito pero currently naka-unpublish ang sunod na chapters for editing. Thank you for supporting the story and sorry for this inconvenience.

Sweetheart, You are my Target! (Assassin Vs. Mafia) [EDITING]Where stories live. Discover now