Chapter 9: Psychopath VS. Assassin

5.6K 135 0
                                    

(WARNING: Violence ahead!)

Laverne's POV:

Nagmamaneho na ako papunta sa village na sinabi ni Sammy. Tss, this time psychopath ulit? Ilang beses na ba ako naka encounter ng mga psychopath?

And to tell you, they are so gross! Sobrang kadiri ng paraan nila ng pagpatay. They are much compared to cannibals.

I looked at my wrist watch and it says 6:00 pm na rin.

Sa pagpasok ng village ay mukha itong ghost town. Sobrang tahimik gaya ng village ng mga Vaughn. Well, siguro dahil na rin sa psychopath na gumagala kaya masyadong maingat ang mga tao dito. Ipinark ko ang kotse sa isang gilid.

Magmamasid muna ako sa village na to. Uh, to think of that...May nakikita akong nagrorondang mga pulis, maybe I'll ask them about the psychopath thing.

Lumabas ako ng sasakyan at kinawayan ang mga pulis. Lumapit ako sa kanila at taka nila akong tiningnan.

Well, sino nga bang assassin ang lalapit sa mga pulis? Tinitingnan nila ang katana na nakasabit sa likod ko.

"Sweet Death is the name", pagpapakilala ko kaya agad nanlaki ang mga mata nila.

Hindi ako natatakot sa mga pulis dahil may kapit ako sa gobyerno. Minsan na ring humingi ng tulong sa akin ang mga opisyales, maski ang Presidente pagdating sa assassination.

Alam kong kilala ako ng mga pulis na 'to.

"Wala akong gagawin sa inyo. May itatanong lang naman sana ako." sabi ko sa kanila.

"A-ano yun?"

"Tungkol sana sa Psychopath daw na gumagala sa village na to. May alam ba kayo tungkol dun?" tanong ko.

"Paano mo nalaman ang tungkol sa bagay na yun?" tanong ng isang pulis.

"Well, isa sa mga nakatira sa village na 'to ang nag-utos sakin na huntingin ang psychopath na yun. Baka may iba kayong infos tungkol dun para na rin makatulong sa akin." sagot ko.

"Hindi kami makikipagtulungan at mas lalong hindi kami magtitiwala sa gaya mo", seryosong saad ng pulis. Nakayuko lang ang iba sa kanila.

"Ganun ba? Wala din naman akong tiwala sayo. Sa tingin niyo ba ay madali lang mahuli ang mga psychopath?" mapanukso kong tanong na ikinainis ng pulis.

"Minamaliit mo ba kami? Responsibilidad namin ang mga nangyayari sa village kaya kung pwede ba, umalis ka na lang dito", utos nito sakin na ikinataas ng kilay ko.

"Pero ibinigay din itong trabaho sakin kaya wala kang karapatang paalisin ako. Well, goodluck na lang kung sino ang unang makahanap ng psychopath na yun.Ba~bye!" pagpaalam ko sa kanila at sumakay muli sa sasakyan.

Pesteng mga parak! Maganda naman ang approach ko ah!? Walang hiya talaga. Imamaneho ko na sana ang kotse nang biglang may marinig kaming sigaw sa malapit.

Napatingin sa'kin ang mga pulis pero irap lang ang iginanti ko.

Pare-parehas silang tumingin sa isang abandoned building ata yun na hindi masyadong malayo mula dito. Patakbo silang pumunta doon at gaya nila ay napatakbo na rin ako.

Nakarating kami sa building na yun at mukhang abandoned nga talaga dahil halata sa hitsura at base na rin sa sinabi ng mga pulis na 'to.

Masyadong madilim ang building mula sa labas. May ilaw naman daw kaso mga tatlo na lang ang gumagana at yung iba daw ay patay-sindi na lang.

Sweetheart, You are my Target! (Assassin Vs. Mafia) [EDITING]Where stories live. Discover now