Chapter 10: Bestfriends and their Mission

5.4K 140 2
                                    

Chloe's POV:

Ngayon na ang flight ko kaya tinawagan ko si Death. Hihihi super excited na ko.

Dialing......

Ring~ring~ring~ring~ Ring~ring~ring~ring~

Shit! Tulog pa ata si Death. Madaling araw pa nga pala sa Pinas ngayon. Aiisshh.

Ring~ ring~ring~

[Hmmm] sagot nito. Hayys, mukhang kagigising pa lang talaga.

"DEATH, SUNDUIN MO KO SA AIRPORT HIHIHIHI, NGAYON NA ANG FLIGHT KO" masigla kong sabi sa kanya.

[Si Sammy....na lang *hikab*]

"Hayyss, ikaw yung gusto ko.Dali na kasi" pangungulit ko sa kanya.

[TSK.OO NA!]

Toot-toot-toot

Ay ganun? Agad namang binaba?!

Haaayy!! Babalik na rin ako sa Philippines.

Laverne's POV:

Pagkababa ng tawag ay agad akong naligo at nagbihis. Natagalan pa ko sa pag aayos ng buhok at pag make up.

Isinabit ko ang katana sa likod at nagmadaling bumaba para makakain. Luckily, may mga maid na sa kusina kaya nagpaluto na ako sa kanila.

5:00 am pa lang naman kaya nagtungo muna ako sa garden para makapagpahangin.

Bigla namang tumunog ang cellphone ko. Akala ko si Nightmare ang tumatawag pero si Sammy pala.

[Laverne...] panimula nito. Himala at hindi nakasigaw ang isang to! Mukhang bagong gising din lang to eh.

"Ano?"

[Pumunta ka sa Agency mamaya. Hindi ka pa naman ata kailangan sa Vaughn Mansion kaya hihiramin muna kita... *hikab*]

"Bakit?"

[OF COURSE, MAY IPAGAGAWA AKO SAYO!] agad niyang sigaw na ikinagulat ko.

"ANG AGA-AGA NAKASIGAW KA NA NAMAN! LECHE KA TALAGA SAMMY" sigaw ko rin sa kanya.

[Ouch. Ang sakit sa tenga] reklamo nito pero binabaan ko na siya.

Wala talagang kwenta kahit kailan ang pesteng yun. Hmmm..hindi niya rin siguro alam na ngayon ang dating ni Nightmare.

Pumasok na ulit ako sa loob nang tawagin na ako ng isang maid. Pagkatapos kumain ay agad akong sumakay sa kotse at nagtungo na sa airport.

Pinagtitinginan ako ng mga tao sa airport. Hindi ko sila pinansin at nagtuloy-tuloy lang sa kung saan talaga bababa ang eroplano.

Hindi ako pinayagan ng mga guard doon pero wala silang nagawa nang tutukan ko sila ng katana.

Matagal akong naghintay doon at maya-maya lang ay nakita ko na ang isang eroplanong lalapag na dito.

Pagkalapag nun ay naghintay pa ako nang matagal hanggang sa makababa na ang lahat. Alam ko namang pa-espesyal na babae si Nightmare kaya magpapahuli yun.

And there I saw her. Bumababa na siya ng eroplano. Mabilis akong tumakbo doon na hindi niya mahahalata. Pagkalapag na pagkalapag pa lang ng mga paa niya sa lupa ay agad kong hinila ang buhok niya at sinabunutan iyon.

Gulat na gulat siya pero nang makita niya ako ay napaismid ang gaga.

"Hey! Stop it na! Ouchy!! You see, bagong rebond lang ako!!" saway niya sakin pero patuloy pa rin ako sa paghila ng buhok niya.

Sweetheart, You are my Target! (Assassin Vs. Mafia) [EDITING]Where stories live. Discover now