Chapter 17: Monitored?

4.8K 123 4
                                    


Chloe's POV: 

Nakangiti lang ako habang tinitingnan si Sammy. Hindi niya ko magawang tingnan dahil alam niya ang ibig kong sabihin. 

"Pssttt" pagtawag ko sa kanya pero ini-isnab lang ako. Hmmmpp!! 

"Pinipilit ako ni Death sumama sa kanya", bigla kong sabi na ikinalingon niya na sa akin. 

"You're not allowed to go there", agad niyang sagot at pinagpatuloy ang ginagawa niya. 

"Pero hindi man lang ba tayo pupunta dun to ensure her safety?" tanong ko at napabuntong hininga siya. 

"She can handle herself. You're worrying too much", saad niya na ikinainis ko. 

"But I want to go there!" I insist and he just gave me a glare. 

"Then go! Bakit magpapaalam ka pa sa akin?" inis niyang tanong na ikinangiti ko.

"Really? Oh yess.." sabi ko na ikinailing lang niya. 

"Pero huwag kang sumama kay Laverne. Mahirap na dahil makikilala ka nila", he reminded me. 

"Of course, ipapahamak ko ba si Death? Eh ikaw, 'di ka sasama?" tanong ko sa kanya. 

"No. I'll be staying here. Maraming ginagawa ang Agency ngayon. Besides, merong kaso na hanggang ngayon ay pinaiimbestigahan ko pa rin", seryoso niyang saad. 

"What is it?" I asked him dahil naintriga ako sa pagiging seryoso bigla ng mukha at boses niya.

"We don't know the real reason about the Mission we gave to Laverne. Besides, I'm sure na napag-utusan lang ang nagbigay sa amin ng request." sabi nito na ikinakunot ng noo ko. 

"What do you mean with that? Nagbigay kayo ng mission kay Death na hindi inaalam kung sino ang nagbigay?!" seryoso kong tanong. 

"At first, wala lang sa akin iyon kahit kay Laverne pero recently, nagtataka na ako regarding sa mission na iyon. Usually, missions are accompanied by killing the target pero walang sinabi sa mission na ibinigay na patayin ang specific na tao sa Vaughn Mafia." he replied. 

"Kung ganon, sino naman ang nagbigay ng reward na katana kay Death?" tanong ko. 

"The same guy who brought the request for that mission", sagot niya kaya nagtaka na rin ako. 

"Kung ganon, why not let me investigate too?" I asked and he agreed. 

"If things get worse, and something unexpected happened with that mission, make a move okay?" he commands me. 

"Roger that, Sir!" I said and walk towards the door where Laverne is sleeping. 

"Dala niya ba ang katana sa kanya?" tanong ko kay Sammy. 

"Nasa Mansion niya ata. And wait! Speaking of the katana, hindi ba may sariling katana lang na ginagamit si Laverne sa assassinating?" bigla nitong sabi na ikinabigla ko. 

"Oh yeah! Oo nga pala, her remarkable katana. I guess, nasa mansion din nila yun. Now I wonder bakit hindi na yun ginagamit ni Laverne", I said and looked seriously at Sammy. 

"What are we going to do,now?" Sammy asked. 

"What are you thinking, right now?" tanong ko naman sa kanya. 

"This is just a possibility, okay? Pero what if ang nagbigay ng request na 'yun ay gustong mag espiya sa Vaughn Mafia? That's why walang utos ng pagpatay? What do you think?" tanong nito. 

"Hmm, may posibilidad nga. Pero paano nila magagawa yun?" tanong ko na ikinaseryoso ni Sammy. 

"The katana, There must be something with that katana." 

"You mean, merong camera device na nasa katana? And that will be the way para malaman at ma-track nila ang kilos ng mga Vaughn?" I said. 

"Yeah, that's what I'm thinking now. Pero as long as hindi pa tayo nakakasiguro, kailangan nating matyagan ang kilos ni Laverne at ang Vaughn Mafia." Sammy said.

"Pero what if hindi talaga ang Vaughn ang kalaban natin dito? What if may mas malaki tayong magiging problema regarding sa mission na hawak ni Death?" I asked him.

"Bullshit!! I was too careless! Bakit ba hindi ko agad iyon inintindi?! Ngayon hindi natin alam kung sino ang target at sino ang totoong kalaban!" bulalas ni Sammy. 

"Don't worry. Ako na ang bahala sa lahat. Ibibigay ko sayo ang lahat ng observations ko at ang mga infos na makakalap ko", I assured him. 

"Where are you going?" tanong nito sa akin dahil papalabas na sana ako ng pinto. "Sa Mansion ni Laverne. I'll get rid of that fucking device na nasa katana'ng yun.", I said. 

"No! You're not going to detached it", sabi niya na ikinataka ko. 

"And why is that?" 

"Don't you understand the situation? Once na malaman nilang nag-iimbestiga na tayo, they will make their move. Not now, Chloe. Maghahanap pa tayo ng tiyempo. Besides, saka na kapag makasiguro tayo sa mga iniisip natin", he said and I agreed.

-------------------------------------
Note: This is an edited chapter of SYAMT. Tinanggal ko ang "Someone's POV" because I think, unnecessary naman ang POV niya sa chapter na ito.

Sweetheart, You are my Target! (Assassin Vs. Mafia) [EDITING]Where stories live. Discover now