Chapter 22: Zachary's threat

4.5K 122 3
                                    

Dylan's POV:

Napatayo sina Evan at Herbert nang iannounce na magsisimula na ang Showdown.

"Wooohhh!! Ito na hinihintay natin!!!" sabi ni Evan at nag bro fist pa sila ni Herbert. Seryoso lang kami ni Thomas na nakatingin sa harapan at sa mga naghahandang mga Mafia Queen.

Napansin namin ang pagkaseryoso ngayon ni Tasia.

"Tasia..." tawag ko sa kanya.

"Don't mind me. Just look at our Queen", seryoso niyang saad. Napatingin kami kay Queen.

"Huh? Bakit hindi nagpapalit si Queen?" tanong ni Evan.

"Tss." asik ni Tasia.

"Imposible siyang makalaban kapag naka gown pa rin siya." saad ni Herbert. Wala pa rin akong imik at hinihintay ko ang reaksyon ni Thomas.

"Just let her be. Hindi tayo ang magdedesisyon kung ano ang gagawin niya", pahayag ni Thomas kaya napabuntong-hininga na lang ako.

Chloe's POV:

Pinanatili ko ang pagkakaupo habang pinagmamasdan ang ibang Mafia Queen na todo ang paghahanda.

Napatingin ako kay Death, este Charlotte pero wala man lang siyang ginagawang kahit ano. Haayss, kahit kailan, relax na relax lang 'to kahit alam na niyang makikipaglaban siya.

Nakikita ko pang tinitingnan siya ni Zachary na parang pinahihiwatig na bakit nakaupo pa rin siya doon?

Napailing na lang ako at mas inintindi ang pagmamatyag sa buong paligid at sa mga taong nandito.

Laverne's POV:

Napapansin ko ang kanina pa sa akin pagtingin ni Zachary.

"What is it?" baling ko sa kanya.

"Don't you want to change now?" tanong niya at napatingin kami sa mga nagbibihis na Mafia Queen. Well, ipinatong lang naman nila ang gown nila sa combat suit nila ngayon kaya ganun kadali ang pagpapalit.

"Wala akong dala", sagot ko at nagulat siya dahil doon.

"You can't fight while wearing that gown", bulalas niya kaya napairap na lang ako sa kawalan.

Magsasalita pa sana siya nang biglang sabihin ng emcee na pinapupunta lahat ng Mafia Queen sa harapan.

Mabilis akong naglakad papunta roon. "Excuse me, lady. Why don't you take off your mask? Is it okay for you to fight with that mask and your gown?" tanong sakin ng emcee.

Tiningnan ko siya at nagsalita, "I will fight wearing them." tipid kong sagot kaya napatango na lang siya.

Masamang tingin ang ibinibigay sa akin ng mga Mafia Queen na nandito.

"Is she underestimating us?"

"She just want to act cool and tough"

"Don't worry, it's impossible for her to defeat us."

Narinig kong bulungan nila. Bulong pa pala yun?! Tsk.

Zachary's POV:

Nang makaalis si Charlotte ay siya namang paglapit sa akin ng D.E.A.T.H. Squad.

"King.. Are you serious? Lalaban si Queen nang ganyan lang siya?" tanong ni Evan.

"She must be underestimating those Mafia Queens", sabi ni Anastasia.

"This is a problem, King. Alam nating siya ang pinakabagong Mafia Queen sa kanilang lahat. Wala pa siyang experience! Ano bang iniisip niya?!" galit na tanong ni Dylan.

Napakuyom ako ng kamao at galit na tiningnan si Charlotte.

Sa oras na matalo ka rito, agad kitang ididispatya, Charlotte Mendoza. Hindi ko nagugustuhan ang ginagawa mo ngayon.

"She will disappoint us. Vaughn Mafia will be a shame because of her!" bulalas ni Anastasia.

Siya lang ang naiiba sa lahat ng Mafia Queen na nandoon. This is insane! Nagpunta ako roon at inis na hinila sa braso si Charlotte.

"WHAT ARE YOU DOING, ZACHARY!!" gigil niya sa aking tanong.

"THAT SHOULD BE MY LINE!! WHAT ARE YOU THINKING RIGHT NOW?" gigil ko rin sa kanyang sabi.

Pinipiglas niya ang kamay niya pero lalo ko pa iyong hinawakan nang mahigpit.

"You don't know me so well, Charlotte Mendoza. Kayang-kaya kitang patayin sa harap nilang lahat kung kailan ko gusto! Huwag mo akong subukan!" inis ko sa kanyang sabi. Ni hindi man lang siya natakot sa ginagawa at sinasabi ko.

"Ako ang kailangan dito kaya ako ang magdedesisyon sa mga ikikilos ko. Huwag mo kong pangunahan, Zachary." seryoso niya sa aking saad.

"At least change your fucking gown! Hindi ka nga makakalaban kapag ganyan ka!!" inis ko sa kanyang sabi kaya mas lalo kong hinigpitan ang hawak sa braso niya.

Narinig kong muli siyang tinawag ng emcee. Aalis na sana siya nang muli kong hilain ang braso niya at lumapit sa kanya.

"Sa oras na matalo ka, tandaan mong papatayin kita agad-agad since wala ka nang silbi sa Mafia na 'to", paalala ko sa kanya at inis siyang naglakad pabalik sa harap.

Don't force me, Charlotte Mendoza. Nagagawa at nakukuha ko ang lahat ng gusto ko.

--------------------------------------

Sweetheart, You are my Target! (Assassin Vs. Mafia) [EDITING]Where stories live. Discover now