Chapter 19: Nightmare at the Grand Ball

4.6K 117 0
                                    


Laverne' s POV: 

Halos 30 minutes ang sayawan at kasiyahang nangyayari dito. At sa loob ng kalahating oras na yun ay ganun din ang pagkabagot namin ni Zachary habang nakatingin lang sa mga tao sa harap. 

Wala kaming balak sumali dahil hindi kami mga tanga gaya nila. Well, siguro ay parehas kami ng inaabangan ni Zachary -ang Mafia Queens' Showdown. 

Kanina pa hikab ng hikab 'tong si Zachary ganun din ako kaya nang magkatinginan kami ay natawa kami pareho. Antok na antok na kami samantalang lahat sila ay hyper na hyper sa pagsasaya. 

Mayamaya ay bigla nalang dumilim dahil pinatay lahat ng ilaw. Isang minuto lang din nang muling buksan ang ilaw at napatingin kami sa harapan kung nasaan ang host. 

"Let us end this dance party temporarily. Kindly get back on our seats and please enjoy our dinner, Ladies and Gentlemen", sabi ng host kaya nagbalikan ang lahat sa upuan nila at nagsimula nang kumain. 

Napatingin ako sa mga pagkaing nasa harap namin. Damn! Wala ditong gatas! Bullshit. 

Nagpaalam muna ako kina Zachary na pupunta muna sa hotel malapit dito. Walking distance lang naman ang isang hotel na nandito sa resort. 

"Dylan, samahan mo si Charlotte", biglang sabi ni Zachary at patayo na sana si Dylan nang inawat ko siya. 

"Ahh. Hindi na. Mabilis lang naman ako" sagot ko na ikinakunot ng noo ni Zachary. 

"It's dangerous tonight. You need someone to come with you. Oh! Ako na lang ang sasama sayo", sabi nito. 

"No! I mean, I need to go in the rest room. You don't need to worry, mabilis lang talaga ako", pagdadahilan ko. Matagal niya akong tiningnan pero naupo na rin siya at hinayaan akong umalis. 

Nakahinga ako nang maluwag nang medyo makalayo-layo na ako sa kanila. Alam kong di papaawat si Zachary dahil alam kong nakamasid pa rin ang Vaughn Mafioso sa akin at sa mga taong nadadaanan ko. 

Bakit ba masyado siyang paranoid? Duhh! Kung alam niyo lang na isa talaga akong assassin, siguro naman ay hindi kayo ganyan kawirdo. Para namang hindi ko kaya ang sarili ko! Peste! 

Nagmadali akong maglakad sa isang cafe malapit dito at agad nag order ng gatas. Buti naman at meron sila kundi di ko alam kung anong gagawin ko. I hate other drinks. I just love milk. 

Hindi na ako tanaw mula dito dahil nahaharangan ng mga puno ang lugar na ito. Habang iniinom ang gatas ay nagpasya akong umupo muna sa buhanginan. 

Rinig na rinig mula dito ang tugtog na galing sa Grand Ball. 

Pagkatapos ubusin ang gatas ay nagmadali na akong bumalik sa kanila dahil baka hinahanap na ako. 

Nagsimula na naman ang sayawan at napansin ko ring wala na roon si Zachary. Nahagip ko siyang may kausap sa cellphone sa di kalayuan. Bigla na lang akong natangay ng mga taong nagsasayawan papunta sa gitna kaya wala akong nagawa kundi mapagitnaan ng maraming tao. 

Habang umaalis dito ay bigla akong may nahagip na pulang ilaw na dumaan sa mukha ko. Shit! A fucking sniper again! Pasimple akong nagpagitna-gitna at nakipagsiksikan sa mga tao para hindi ako mahuli ng sniper na yun. Peste oh! 

Muli na namang may dalawang pulang ilaw ang nakikita ko bukod sa nakita ko kanina. Dahil sa pag-iwas nun ay may nabangga ako. 

"5 snipers.." bulong sa akin ng nakabangga ko. Teka.. Hindi ako pwedeng magkamali sa boses nito. 

"Nightmare..?" bulong ko sa taong kaharap ko ngayon. Hindi ko siya nakilala dahil maikli ang buhok niya na blond at alam kong wig lang iyon. Kinindatan niya ako kaya umirap ako sa kanya.

"Mamaya na tayo mag-usap,okay? Ako nang bahala sa limang sniper na yan", bulong muli nito at agad akong nagpalinga-linga sa paligid. Karamihan sa mga sniper ay nahagip kong nasa mga building malapit sa resort na ito. 

"It's not 5, they are 10." sabi ko na ikinagulat niya. 

"Ang talas talaga ng mata mo, Death", sabi nito kaya tinuro ko sa kanya ang iba ko pang nakitang mga sniper at mabilis siyang umalis para tapusin ang mga yun. 

Well, hindi ako pwedeng bumaril ng mga sniper ngayon dahil magtataka ang mga tao dito. Isa pa, masyado akong mainit sa mga mata ng Mafia bilang Sweet Death. 

Finally, nakaalis na rin ako doon sa mga taong nagsasayawan. Tss. Well, maganda na rin yun dahil nagkaroon ako ng paraan para malaman na may mga sniper dito at isa pa, narito si Nightmare na akala ko ay nandoon lang sa Pinas. Tsk.Tsk. 

"OH! I thought you don't want to dance?" agad na tanong sa akin ni Zachary nang makaupo na ako. 

"You misundertood it. Natangay ako ng mga tao nung pabalik na sana ako. What a pain!" bulalas ko at narinig ko siyang napatawa. 

"Is that so? Alam ko din namang ayaw mo talagang sumayaw", sabi niya at muling napatingin sa nagkakasayahang mga tao. 

"I wonder why you look so bored?!" I asked him. Bigla siyang napatingin ulit sakin. 

"You're the one to talk", he said while laughing. 

Biglang nag-iba ang tugtog at naging love song iyon. Perfect for slow dance. Mas lalo akong naboring kaya nakapangalumbaba na ako ngayon. 

"Can we dance?" nagulat ako sa pag-aaya sa akin ni Zachary. 

"E-eh? But..." 

"*sigh I thought it'll be rude kung tayo na lang ang hindi sumasayaw", sabi nito at napansin kong halos kami na lang ata ang nasa upuan namin. Nakita ko rin na karamihan ng sumasayaw ngayon ay mga Mafia King along with their Mafia Queen. 

What the fuck?! 

----------------------------- 
A/N: Nice! Sasayaw na 'yan 😂

Note: This is an edited version of SYAMT.

Sweetheart, You are my Target! (Assassin Vs. Mafia) [EDITING]Where stories live. Discover now