Chapter 34: Enemy

4.1K 101 0
                                    

Laverne's POV:

Matapos ang nagyaring laban ay pinauwi muna ako ni Zachary.

Heto at kasama ko na naman si tanda. Nandoon din pala siya nung nagbabarilan na sa Mansion kaya mukhang pagod din siya.

"Diretso tayo sa Agency", sabi ko sa kanya.

"Pero Ms. Stanley, hindi po ba kayo magpapahinga?" tanong niya na ikinataas ng kilay ko.

"Hindi sa akin uso 'yun", bagot kong sagot at nakita kong pinatay niya ang tracker device na nasa loob ng kotse niya. Alam kong iyon ay inilagay para matrack kami ng mga Vaughn. In-off din namin ang mga GPS ng mga phone namin dahil papunta kami ngayon sa Agency.

Nang makarating na kami sa Agency ay mabilis na ipinark ni tanda ang sasakyan sa Underground Parking lot.

Mabilis akong umakyat sa office ni Sammy habang nagpaiwan si Gregg dahil may aasikasuhin pa siya.

Habang naglalakad ay tinanggal ko na ang fake face ko.

Pagkarating sa harap ng pinto ni Sammy ay napatingin muna ako sa relo. 8:45 pm.

Agad kong tinadyakan ang pinto ng office niya at bumungad sa akin ang seryosong mga mukha nina Nightmare at Sammy.

Nagulat sila sa paglapit ko sa kanila.

"Yo!" bati ko at agad silang tumingin sa akin.

"May problema ba kayo?" tanong ko sabay bukas ng ref ni Sammy at kumuha doon ng isang bote ng gatas.

"Buti naman at hindi ka nakakalimot mag stock ng gatas sa ref mo, Sammy," sabi ko sabay upo sa sofa at nilaklak ang gatas.

"Tsk. Lagi kang magwawala sa office ko kapag walang lamang gatas iyang ref na yan", sagot ni Sammy at ngayon ay umupo na.

Biglang tumabi sa akin si Nightmare na nakasimangot sabay yakap sa akin.

Irita ko siyang tinulak. "Ano na naman 'to, Nightmare? Mukha kang tanga", puna ko sa kanya.

"Ihh, namiss kita!" mukhang tangang sabi niya.

"Ano nga palang sasabihin niyo?" bigla kong tanong.

"Uh..Sino ba dapat ang magsabi nito?" tanong ni Nightmare habang nakatingin kay Sammy.

"Wag na kayong magpaligoy-ligoy pa. Diretsuhin niyo na," bagot kong sabi.

"Meron nang nakakaalam ng ginagawa mong disguise", biglang sabi ni Nightmare kaya naibuga ko ang iniinom ko.

"WHATTTT?" sigaw ko kaya maarteng tinakpan ni Nightmare ang tenga niya.

"Ano nga?" inis kong tanong sa kanila.

"Ayaw namin 'tong sabihin sayo. Pero ito talaga ang nangyayari. Kailangan mong malaman ang lahat para hindi ka na maging padalos-dalos sa ikinikilos mo," sabi ni Sammy sabay lapag ng isang maliit na kahon sa kamay ko.

"Ano 'to?" tanong ko sa kanya pero seryoso niya lang akong tiningnan. Binuksan ko iyon sa akin at tumambad ang isang larawang burado ang bandang mukha.

Teka, ako to ah?!

"A-ako to 'di ba?" pagkumpirma ko sa kanila. Tumango lang sila kaya gigil kong hinawakan ang picture. May nakita naman akong isang maliit na papel kasama sa kahon.

Kinuha ko iyon at nakita ang mga numerong ito.

-------------------------------------------------------
(4×3) (10×2)
(1×16) (1×7)2
(1×7)2 (1×24)
(2×5) (1×24)
(4×5) (1×13)2
(1×13)2
-RealHeir
-------------------------------------------------------- Napatingin ako kay Sammy ,"Some kind of a code?" tanong ko sa kanya.

"What do you think?" tanong niya sa akin kaya pinagmasdan kong mabuti ang mga numero at inaalala kung anong klaseng code ito.

"Super Scrabble Code", sagot ko kasabay ang pagtango niya.

"Teka, alam mo 'yan? Bakit wala akong alam sa mga code code na yan?! Waahhh!!" biglang sigaw ni Nightmare.

"Tsk. Wag ka ngang maingay dyan. Ano bang mensahe nito?" tanong ko at tiningnan ang bawat numero.

Kung pababa ang ayos ng mga numero, maaari ring pababa ang pagdecode nito.
(4×3) -V (10×2) -Q
(1×16) -A (1×7)2 -U
(1×7)2 -U (1×24) -E
(2×5) -G (1×24) -E
(4×5) -H (1×13)2 -N
(1×13)2 -N

"Vaughn Queen?" tanong ko sabay tingin sa kanila.

"Tsk. Wala naman palang kwenta", bagot kong sabi sabay tapon ng papel at ang kahon sa gilid.

"ANO?! Hindi mo ba nalalaman ang sitwasyon mo, Death?! May nakakaalam na sa ginagawa mo!" gulat na sabi ni Nightmare.

"What?! Paano niyo naman nasabing alam na nila ang ginagawa ko dahil lang sa picture at code na 'yan?" tanong ko sa kanila kaya napailing-iling lang silang dalawa.

"Hindi mo pa rin ba naiintindihan ngayon?! Kung alam nila na nagpapanggap ka, ibig sabihin, magiging sagabal sila sa Mission mo. May posibilidad pang malaman 'yan ng Vaughn Mafia. Isa pa, sadyang ipinadala ang kahon na 'yan dito dahil alam nila na si Sweet Death at ang Vaughn Queen na si Charlotte ay iisa", paliwanag ni Nightmare.

Tsk. Mga wala namang kwenta ang mga ganyang tao. Kung sakaling malaman man ng Vaughn Mafia ang tungkol sa ginagawa ko, edi mas madali! Agad ko silang mapapatay kung magkaganon nga.

"There's one more thing na kailangan mong malaman", seryosong sabi ni Sammy.

"Hindi namin kilala ang nagbigay ng request na ito sayo. At sa tingin ko ay sila ang posibleng nasa likod ng mga bagay na ito." dugtong niya kaya napakunot ang noo ko.

"Tinanggap mo ang request at binigay sa akin ang mission nang hindi mo man lang alam sino ang nag-utos nito?" inis kong tanong kay Sammy.

"I'm sorry. I was careless. Ak------" pinutol ko ang sinasabi niya.

"Tsk. It doesn't matter to me, really. Hindi naman big deal ang bagay na 'to. Just let them play their own game. Malalaman din natin at makikilala kung sino sila", nakangisi kong sabi sabay tapik sa balikat ni Sammy.

"Feeling confident, huh? Kung sa bagay, wala ka namang kinatatakutan." saad ni Sammy sabay buntong-hininga.

"Paano ka naman nakakasiguro dyan sa iniisip mo, Death?" biglang tanong ni Nightmare.

"Tsk. Can't you see, Nightmare? Kung sakaling ang nagbigay ng request na ito ang nasa likod ng mga natatanggap nating mensahe ngayon, bakit pa ako mag-aalala?! Hindi ba dapat matuwa kayo dahil tinutulungan nila tayo?" bagot kong sagot.

"Sa paanong paraan naman tayo tinutulungan? Mas ginagawang komplikado nila ang lahat. Bakit may ganito pa silang binibigay? Bakit ni hindi natin kilala ang sender ng request na ito kung pwede naman silang makipagkita nang personal?" mahabang talak ni Nightmare.

"Bakit pa kayo namomroblema kung ako naman ang gumagawa ng mission na 'to?! Huwag nga kayong magpakatanga at magpaka paranoid dahil lang sa mga natatanggap niyong ganito!" inis ko sa kanilang sabi.

"LAVERNE!" biglang sigaw ni Sammy na parehas namin ikinabigla ni Nightmare.

"As your Boss, I have the right to keep things in order and under my supervision. I have to keep you safe while working in my Agency! I'll take all the responsibility sa oras na mapahamak ka. Hindi mo ba alam na nag-aalala ako sayo?!" galit na sabi ni Sammy kasabay ang pagsinghap ni Nightmare.
-----------------------------------------------
Note: This is an edited version of SYAMT.

Sweetheart, You are my Target! (Assassin Vs. Mafia) [EDITING]Where stories live. Discover now