Chapter 26: Numb

4.6K 113 3
                                    

Chloe's POV:

Gulat pa rin akong nakatingin sa dalawang nasa harap ko.

Ramdam kong nagulat rin si Death kaya hindi niya nagawang itulak si Sammy.

"I'm just worried, I'm sorry..." saad ni Sammy habang yakap-yakap si Death. Saka lang ako natauhan kaya agad akong kinilig.

"AYYIIIEEEE.... Boto ako sa inyoooo" sabi ko at sinundot-sundot sa tagiliran si Sammy. Nang marealize din niya kung ano ang ginawa niya ay mabilis siyang bumitaw kay Death. Hihihihihi

Namumula pa rin si Sammy at ngayon ay hindi makatingin kay Death.

"Don't tell me, hindi mo pa rin gets ang ginawa ni Sammy? Manhid ka na talaga niyan na sobra-sobra, Death!" inis ko sa kanyang sabi.

"W-why?" utal na tanong ni Death.

"Ihhh, di pa ba halata... Ano ba yan, Death. Makiramdam ka nga!" sabi ko sa kanya sabay tapik ng balikat niya.

"Sammy told me he's just concern. What's the big deal with it, Nightmare?" tanong ni Death at ngayon ay umupo ulit sa kama. Napanganga na lang ako dahil sa sinabi niya.

What's with this girl? Aiiisshh..

"W-why are you still here?" tanong ni Death kay Sammy.

"N-nothing. I just want to check you. That's all", sagot ni Sammy sabay takbo papalabas.

"Hahahahahaha!" hindi ko mapigilang matawa. Napalingon sakin si Death.

"What's wrong with you?" tanong niya sa akin.

Bigla akong sumeryoso ng tingin sa kanya na ikinagulat niya.

"I should be the one asking that to you..." I replied at her.

"Y-you're creepy. What's with you? Stop it!" saway niya sakin pero lalo ko lang siyang tiningnan nang seryoso.

"You don't feel anything nung niyakap ka ni Sammy?" seryoso ko sa kanyang tanong. Napangiwi siya dahil doon.

"You're insane! Ano ba ang dapat kong maramdaman doon?" tanong niya na ikinalaglag ng panga ko.

"Aiisshhh.. Death!! My goodness!! Tao ka pa ba?" inis ko sa kanyang tanong.

"Ano bang pinagsasabi mo, Nightmare?" inis niya ring sabi.

"Common sense na lang yun, Death! Wala kang idea kung anong sinasabi ko?" tanong ko sa kanya.

Tiningnan niya ako nang seryoso. "I don't know what you're talking about." sagot niya kaya nainis ako.

"ISN'T IT OBVIOUS? SAMMY LIKES YOU SO MUCH!! DON'T YOU FEEL ANYTHING? WHY ARE YOU SO NUMB?" sigaw ko sa kanya na ikinagulat niya.

Laverne's POV:

Parang nag-echo sa tenga ko ang huling mga salita na binitiwan ni Nightmare.

'SAMMY LIKES YOU SO MUCH...'

'SAMMY LIKES YOU SO MUCH...'

'SAMMY LIKES YOU SO MUCH...'

Aisshhh! Ayun lang ang naintindihan ko at nagpapaulit-ulit lang sa pandinig ko. Peste! Bigla akong tumayo nang ma realize ang ibig sabihin ni Nightmare.

Seryoso ko siyang tiningnan kaya gulat siyang napatingin sa akin.

"I-I'm sorry. Hindi ko gustong sigawan ka..." paliwanag niya pero matalim lang na tingin ang ibinibigay ko sa kanya.

"Love doesn't exist in my own world... Don't force me to love, Nightmare. Mawawala lahat ng ambisyon ko at mamamatay ako kapag pinagpilitan mo sa akin ang bagay na yan. Hindi tayo magkatulad. Kaya kong mabuhay even without the 'love' you've been telling me..." saad ko at nakita ko siyang umiyak.

"Why? Why Death? Isa lang naman ang gusto ko... Ang matuto kang magmahal. THAT'S THE FUCKING PURPOSE OF EVERYONE'S LIFE! Bakit ba inililihis mo ang sarili mo sa mga tao? For heaven's sake, Death!! You're a human!! Matuto kang makiramdam!" inis niyang sabi kasabay ang pag-agos ng luha niya.

Gulat ko lang siyang tinitingnan. Why is she crying over this thing?

And moreover, I hate seeing her cry. Hindi niya dapat ako iniiyakan.

Napatulala akong lumuhod at hindi ko namalayang may umagos ba ring luha mula sa mata ko.

Napansin kong napatingin siya sa akin at gulat na pinagmasdan ako.

"W-why are you crying?" tanong niya sa akin sabay punas ng mga luha ko.

Niyakap ko siya nang mahigpit. "I don't want to see you crying, Nightmare... I'm really sorry." sabi ko kasabay ang tuluyang pag-iyak. Niyakap niya rin ako nang mahigpit.

"I understand you... I'm sorry dahil pinipilit din kita. I just want to see you love someone, Death. That's all. Ayokong itinuturing mo ang sarili mo na isang killing machine. You're still a human,okay?" sabi niya kaya mas lalo akong napahagulhol.

Hindi ko alam kung bakit ako naiiyak ng ganito. Hindi ko mapigilan ang pagdaloy ng mga luha ko.

"Sshhh.. Tahan na. Your big sister will always be here for you, Death. Hindi masamang ilabas mo paminsan-minsan ang kahinaan mo. You don't need to act tough always." bulong sakin ni Nightmare.

Unti-unti na akong nakaramdam ng antok kasabay ang huling patak ng luha ko.

----------------------------------------   
Note: This is an edited version of SYAMT.

Sweetheart, You are my Target! (Assassin Vs. Mafia) [EDITING]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon