Chapter 31: Decode

4.2K 94 1
                                    

Chloe's POV:

Hindi ako mapalagay habang dine-decode pa ni Sammy ang message ng lahat ng mga natanggap namin ngayong araw.

Shit! Bakit may mga ganitong sumusulpot ngayon?!

"I'm done!" bulalas ni Sammy kaya lumapit agad ako sa kanya.

"The email I've received recently has the message, 'Vaughn Mafia' , take a look", sabi niya at ipinakita sa akin ang email.

-------------------------------------------------------
LXXXVI XCVII CXVII CIII CIV CX XXXII LXXVII XCVII CII CV XCVII

-RealHeir
-------------------------------------------------------

"This is a Roman Numeral Cipher." saad niya sa akin.

"LXXXVI stands for the uppercase 'V' , XCVII for lowercase 'a' , CXVII for lowercase 'u' , CIII for lowercase of 'g' , CIV for lowercase 'h' , CX for lowercase 'n'. It means, the first word is Vaughn." paliwanag niya pero mukhang nahilo lang ako dahil ang naintindihan ko lang ay puro 'lowercase' at uppercase.

"This XXXII is used as a word separator. LXXVII is for the uppercase 'M' , XCVII for lowercase 'a' , CII for lowercase 'f' , CV for lowercase 'i' , and XCVII again for lowercase 'a'. Kapag pinagsama ay mabubuo ang salitang Vaughn Mafia", paliwanag niya kaya taka akong tumingin sa kanya.

"Paano nainvolve ang Vaughn Mafia dito?" tanong ko pero nagsenyas lang siya na manahimik ako.

"There's a message too inside of this box, right?" sabi niya sabay turo sa kahon na nakita ko kanina.

"What's the message of it?" agad kong tanong sa kanya. Seryoso niya akong tiningnan kaya kinabahan na ako sa maririnig ko.

"VAUGHN QUEEN", seryoso niyang saad na ikinagulat ko.

Napaupo ako sa sofa dahil sa panghihina. Shit! Sabi na nga ba at involve dito si Death!

"Hindi kaya, alam nila ang mga ikinikilos natin, especially kay Death?" tanong ko kay Sammy.

"I'm afraid to think about it. This is a big problem", saad niya.

"Naalala mo ba nung sinabi mo sa akin na hindi mo kilala ang nagbigay ng request na ito sa Agency? Sa tingin ko, sila ang nearest possible na may kinalaman sa mga bagay na 'to." bigla kong sabi na ikinatayo ni Sammy.

"Yeah. I've been thinking about that thing too. Sila ang nagbigay ng mission kay Laverne kaya alam kong sila rin ang posibleng nakakaalam sa disguise na ginagawa niya", seryoso niyang sabi.

"Anong gagawin natin?" tanong ko sa kanya.

"I guess this is the time to tell Laverne about this matter. Kailangang aware siya na may hindi magandang nangyayari ngayon", sagot niya kaya mabilis kong kinuha ang phone ko at tinawagan si Death.

Laverne's POV:

Ilang oras din kaming magkasama ni Zachary at talagang bagot na bagot ako ng mga oras na 'yun.

Antok na antok ako at isa pa, nagtataka pa rin ako sa mga nangyari kanina. Sino ba kasi yung pesteng lalaki na nakita ko? Namalik-mata lang ba talaga ako?

Nakaupo ako ngayon sa isang bench dahil biglang umalis si Zachary at hindi ko alam kung may bibilhin siya o ano.

Biglang nag ring ang cellphone ko kaya tumingin muna ako sa paligid at wala namang kasuspe-suspetyang tao kaya agad ko na iyong sinagot.

Hindi pa ako nakaka 'hello' ay bigla itong sumigaw.

[DEATHHHH!"]

"ANO BA?!" irita kong sagot kay Nightmare dahil mukhang sinasapian na naman.

[Meron kaming mahalagang sasabihin sayo pagbalik mo!]

Napataas naman ang kilay ko sa sinabi niya.

"Ano na naman yun?" tanong ko sa kanya.

[Basta! Anong oras ka ba makakapunta sa Agency?]

"Mga gabi na siguro. May gagawin pa kong NAPAKAHALAGA", saad ko kaya narinig ko ang pagbuntong-hininga niya.

[Haaayys, Basta mag-ingat ka ha? May panibago ka na namang target ano?]

"Tsk. Wala ka nang pake dun, Nightmare."

[Death....] mahina niyang saad.

Teka, bakit mukha namang naubusan na siya ng kasiglahan niya?

"Hoy! Ano na namang drama 'yan?" agad kong tanong dahil alam kong may mahalaga siyang sasabihin at mukha siyang seryoso ngayon.

[Stay safe, okay? 'Wag kang magpadalos-dalos sa mga gagawin mo ngayon, okay?] paalala niya.

"Oo na! Oo na. Wag ka nang mag-alala diyan, mukha ka kasing tanga" natatawa ko sa kanyang sabi.

[HOY! CONCERN NA NGA SAY-----]

Toot-toot-toot

Hindi ko na pinakinggan ang talak ni Nightmare. Tsk. Ang ingay-ingay lagi ng bunganga!

Nakita ko ring malapit na dito si Zachary kaya mabilis kong tinago ang cellphone. Nakangiti siya sa aking lumapit sabay ang pag-upo.

Nagulat ako nang bigyan niya ako ng isang bouquet ng rosas.

"Para sayo yan" nakangiti niya sa'king sabi kaya ginantihan ko siya ng pekeng ngiti.

Malamang sa akin 'to, sa akin mo binigay diba? Tsk.

"Since this is our first date, I'm looking forward sa mga date pa natin sa susunod." sabi niya sa akin kaya napatango na lang ako.

Kung ako tatanungin, aba ayoko nang makipagdate sa kanya. Nakakapagod lang. Mas mabuti siguro ang araw ko kung nasa ibang mission ako ngayon.

Bigla siyang tumayo at sinabing babalik na kami sa Mansion since malapit nang mag 5:00 pm. Agad din akong tumayo dahil gusto ko na ring makita ang ZenHur Mafia.

Habang naglalakad ay may nadaanan kaming mga highschool students na napapatingin sa amin.

"Kyaaahhh, ang gwapo ng kasama niya"

Gwapo? Saan banda ang gwapo? Baka gago.

"Siguro girlfriend niya yung babae."

Hindi niya ako girlfriend. Killer niya ako.

Kawawang Zachary, hindi niya alam na katabi niya na lang ang papatay sa kanya.

"Ang ganda naman nung girl."

Yeah, I know right. Tsk.

"Bagay sila yiiieee.."

Kami bagay? Is that some kind of a joke? Tell me dahil hindi nakakatawa.
Nakakapeste lang!

"Ihhh, hindi naman sila bagay ih. Kami ang bagay nung guy hihihi",

Okay, Malandi ka nang bata ka. Highschool ka pa lang, ganyan ka na kalandi? Nung kaedaran mo pa lang ako, sinasanay ko pa ang sarili ko sa pagsalag ng mga kutsilyo at bala ng baril. And excuse me, wala akong pakialam kung gusto mong kunin si Zachary. Ano bang halaga ng lalaking to sa buhay ko? Tsk.

-------------------------------------------
(A/N: Weh? baka in denial ka lang, Charlotte? jk)

Note: This is an edited version of SYAMT.

Sweetheart, You are my Target! (Assassin Vs. Mafia) [EDITING]Where stories live. Discover now